Sangguniang Kabataan ng BRGY. DOS, Lipa City

Sangguniang Kabataan ng BRGY. DOS, Lipa City The Official Page of the Sangguniang Kabataan (SK) of Barangay Dos.

⚠️ PAALALA, BARANGAY DOS! ⚠️Dahil sa masamang panahon at suspensyon ng face-to-face classes, manatili muna sa bahay kung...
06/08/2026

⚠️ PAALALA, BARANGAY DOS! ⚠️

Dahil sa masamang panahon at suspensyon ng face-to-face classes, manatili muna sa bahay kung hindi kinakailangang lumabas. Unahin ang kaligtasan ng bawat isa, makinig sa mga opisyal na anunsyo, at laging maging handa.

🌧️ Mag-ingat. Magdasal. Magtulungan.

Barangay Dos, Dos na Walang Ubos! ❤️💛

Leadership Primer for SK Aspirants➤ Ikaw ba ay kabataang lipeño na nais tumakbo at maglingkod bilang Sangguniang kabataa...
30/07/2026

Leadership Primer for SK Aspirants

➤ Ikaw ba ay kabataang lipeño na nais tumakbo at maglingkod bilang Sangguniang kabataan official?

PAGKAKATAON MO NA ITO!

➧ Magparehistro, makilahok at maging handa upang maging SK Official.

➧ Palawakin ang iyong kaalaman, matuto ng batas, at hasain ang iyong kakayahan sa darating na August 15 - 16, 2026.

➧ Magsanay at makasama ang kapwa mo lider kabataan.

Deadline of Registration: August 9, 2026

https://forms.gle/icbHeJxFfJkzNY5C6

ANUNSYO LIPEÑOEducational Benefit AssistanceIpinagbibigay alam po ni Mayor Eric B. Africa na magkakaroon ng RENEWAL at N...
28/07/2026

ANUNSYO LIPEÑO

Educational Benefit Assistance

Ipinagbibigay alam po ni Mayor Eric B. Africa na magkakaroon ng RENEWAL at NEW APPLICATION para sa College Scholarship, College Educational Financial Assistance at Senior High School Educational Financial Assistance, sundin lamang po ang sumusunod na schedule.

MGA KINAKAILANGANG DALHIN O REQUIREMENTS:

PARA SA SENIOR HIGH SCHOOL EDUCATIONAL FINANCIAL ASSISTANCE:

1. Certificate of Enrollment
(1st Sem A.Y. 2026-2027 with stamped ENROLLED)
2. Certified True Copy of Grades
(1st to 4th quarter A.Y. 2025-2026)
3. Photocopy of ID
(National ID or Voter’s Certificate with 3 signatures)
KARAGDAGANG REQUIREMENT PARA SA NEW APPLICANT
• BARANGAY RESIDENCY

PARA SA COLLEGE SCHOLARSHIP & COLLEGE EDUCATIONAL FINANCIAL ASSISTANCE:

1. Registration Form
(1st Sem A.Y. 2026-2027 with stamped ENROLLED)
*if enrolled subject are 17 units and below bring copy of curriculum of subjects / program of studies / syllabus
2. Certified True Copy of Grades
(2nd Sem A.Y. 2025-2026)
*for College Scholarship GWA must be 2.5
3. Photocopy of ID
(National ID or Voter’s Certificate with 3 signatures)
KARAGDAGANG REQUIREMENT PARA SA NEW APPLICANT
• BARANGAY RESIDENCY

PAALALA:
• Siguraduhing kumpleto na ang mga nasabing requirements. Hindi tatanggapin ang kulang na requirements.
• Kung hindi makakapunta ang estudyante, magulang lamang ang AUTHORIZED na magproseso ng application.
*Magdala ng authorization letter at photocopy ng Valid ID.
• Hindi benepisyaryo ng iba pang Scholarship o Educational Financial Assistance ng ibang Government Agencies at Private Institutions.
• Walang kapatid na benepisyaryo ng Extended Benefit Assistance. Isa lamang Benepisyaryo kada isang pamlilya.

27/07/2026

Today, we proudly celebrate another milestone for our LGBTQIA+ community!

Our warmest congratulations to President Georgia Reyes of LGBTQIA+ Lipa – LASO and Urban District Head Christopher Nicolas Burias of the Lipa Alliance for SOGIE for your unwavering dedication, inspiring leadership, and continuous efforts in empowering and uplifting the voices of the LGBTQIA+ community.

We are also incredibly proud to see our very own LGBTQIA+ Icons : Jael Reyes, Rap Ilagan, and Ryan Medrano, together with our fellow Barangay Dos residents who are part of the community, being recognized and featured. Your courage, authenticity, and pride continue to inspire others to embrace who they are and stand tall with confidence.

May this recognition remind us all that visibility creates change, representation empowers lives, and unity makes our community stronger than ever. Keep shining, keep inspiring, and continue making history!

Congratulations to everyone! We are proud of you all! 🏳️‍🌈💖

Send a message to learn more

𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐁.𝐔.𝐍.𝐆.𝐀.: 𝑩𝒓𝒊𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑼𝒏𝒊𝒇𝒊𝒆𝒅 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒓𝒐𝒖𝒈𝒉 𝑮𝒊𝒗𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒆𝒏𝒆𝒔𝒔In celebration of 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, the Sanggu...
25/07/2026

𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐁.𝐔.𝐍.𝐆.𝐀.: 𝑩𝒓𝒊𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑼𝒏𝒊𝒇𝒊𝒆𝒅 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒓𝒐𝒖𝒈𝒉 𝑮𝒊𝒗𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒆𝒏𝒆𝒔𝒔

In celebration of 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, the Sangguniang Kabataan of Barangay Dos (02) proudly launched 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗕.𝗨.𝗡.𝗚.𝗔.: 𝗕𝗿𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗚𝗶𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀, a meaningful initiative dedicated to promoting healthy eating habits among our young kids through the distribution of fresh fruits and nutrition awareness.

Every fruit shared is more than just food, it is a reminder that every child deserves the opportunity to grow healthy, strong, and full of hope. Through this small gesture, we hope to encourage healthy habits and remind every child that they are valued, cared for, and supported.


Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito!Ang bagong Barangay Hall ng Barangay Dos ay h...
17/07/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito!

Ang bagong Barangay Hall ng Barangay Dos ay hindi lamang isang gusali kundi ito ay simbolo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at tunay na malasakit sa bawat mamamayan. Nawa’y magsilbi itong tahanan ng mas mabilis, mas maayos, at mas episyenteng serbisyo publiko para sa ating komunidad.

Mula sa buong Barangay Dos, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at nagbigay ng ambag upang maisakatuparan ang proyektong ito. Sama-sama nating pangalagaan ang bagong tahanan ng ating barangay at ipagpatuloy ang pagbubuo ng isang mas maunlad, mas maayos, at mas nagkakaisang Barangay Dos.

Taos Puso kaming nagpapasalamat sa ating Cong. Ryan Recto sa kanyang walang sawang suporta at pagmamahal sa ating Barangay, Dos na Walang Ubos! ❤️💛💙

17/07/2026

BAGONG BARANGAY HALL AT MULTI-PURPOSE BUILDING SA BARANGAY DOS, PINASINAYAAN

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang inagurasyon ng bagong Multi-Purpose Building at Bagong Barangay Hall ng Barangay Dos, lipa City na layuning higit pang mapalawak at mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga residente at iba pang mamamayan.

Pinangunahan ni Congressman Ryan Recto ang ribbon-cutting ceremony, kasabay ng pormal na pagbubukas ng bagong Day Care Center, na magsisilbing ligtas at maayos na pasilidad para sa mga batang mag-aaral sa barangay.

Kasama rin sa programa si Barangay Captain Romeo Macabea, na nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng naging katuwang sa pagsasakatuparan ng proyekto. Ayon sa mga opisyal, ang bagong mga pasilidad ay simbolo ng patuloy na pagtutok sa serbisyong may puso at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng bawat residente ng Barangay Dos Ng Lipa City Batangas

Big News: Bhong Dapudong
Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita At Serbisyo Publiko!


17/07/2026
Ang mahusay na arkitekturang pampamahalaan ay hindi lamang nasusukat sa tibay ng estruktura, kundi sa kakayahan nitong m...
16/07/2026

Ang mahusay na arkitekturang pampamahalaan ay hindi lamang nasusukat sa tibay ng estruktura, kundi sa kakayahan nitong maging tahanan ng maayos na serbisyong publiko at mas matibay na ugnayan ng pamahalaan at mamamayan.

Isang taos-pusong pagbati sa matagumpay na inagurasyon ng bagong Barangay 02 Multi-Purpose Building, na magsisilbing tahanan ng ating Barangay Hall at Daycare Center.

Umaasa po tayo na ang bagong gusaling ito ay magiging daan upang higit pang mapabuti ng ating mga opisyal ng barangay, sa pangunguna ni Kap. Romeo Macabia, ang kanilang paglilingkod sa bawat mamamayan ng Barangay Dos. Nawa'y magsilbi itong simbolo ng mahusay na pamamahala, pagkakaisa, at patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Binabati po natin ang buong pamunuan ng Barangay Dos at si Cong. Ryan Santos Recto sa mahalagang tagumpay na ito.

📣 KABATAAN NG BARANGAY DOS! HALINA AT MAG-PAREHISTRO! 📣Ang pagpaparehistro bilang botante ay hindi lamang isang karapata...
13/07/2026

📣 KABATAAN NG BARANGAY DOS! HALINA AT MAG-PAREHISTRO! 📣

Ang pagpaparehistro bilang botante ay hindi lamang isang karapatan, ito ay isang mahalagang tungkulin ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ka ng pagkakataong makilahok sa pagpili ng mga lider na maglilingkod at magpapasya para sa kinabukasan ng ating komunidad at bansa. Ang voter registration ay kinakailangan upang makaboto sa mga halalan.

Kabataan ng Barangay Dos, ang inyong boses ay mahalaga. Ang bawat rehistradong botante ay may kapangyarihang magbigay ng direksyon sa kinabukasan sa pamamagitan ng isang responsableng boto. Maging aktibong mamamayan, makilahok sa demokratikong proseso, at maging bahagi ng positibong pagbabago.

“Ang boto mo ay boses mo. Magparehistro, makilahok, at maging kabahagi ng mas maunlad na Barangay Dos at Pilipinas.”

Address

Poblacion Barangay 02
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng BRGY. DOS, Lipa City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share