30/07/2026
๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฝ๐ฎ ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ ๐๐
Isang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 ang isinagawa sa Barangay Mataas na Lupa Child Development Center, na puno ng saya, pagkatuto, at pagkakaisa para sa ating mga kabataan.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga PTA President, kay Teacher Eden, sa mga Opisyal ng Barangay Mataas na Lupa, at sa lahat ng mga sponsor, donors, at mabubuting puso na naglaan ng oras, suporta, at biyaya upang maging matagumpay ang programang ito. Ang inyong kabutihan ay malaking inspirasyon sa ating komunidad.
Isang karangalan at kagalakan para sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Mataas na Lupa na maging bahagi ng pagdiriwang na ito at makapagbahagi ng hygiene kits sa ating mga batang mag-aaral bilang munting ambag sa kanilang kalusugan, kalinisan, at kabuuang kapakanan.
Patuloy nating pagtulungan ang paghubog ng isang mas malusog, mas masaya, at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Mataas na Lupa.