SK Baay Youth Council

Directions

SK Baay Youth Council The official page of the Sangguniang Kabataan of Barangay Baay, Lingayen, Pangasinan.

This page serves as an official information platform for announcements, programs, projects, and activities of the SK Council.

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐’๐Š ๐Š๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ ๐€๐ฅ๐›๐ž๐ซ๐ญ๐จ ๐˜. ๐๐ž๐ซ๐ž๐ณ! ๐ŸŽ‰A well-deserved achievement for all the hard work and dedication youโ€™ve p...
07/10/2026

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐’๐Š ๐Š๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ ๐€๐ฅ๐›๐ž๐ซ๐ญ๐จ ๐˜. ๐๐ž๐ซ๐ž๐ณ! ๐ŸŽ‰

A well-deserved achievement for all the hard work and dedication youโ€™ve put in. Congratulations on passing the ๐—–๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—˜๐˜…๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป โ€“ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—Ÿ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น.

May this success open more doors and bring you closer to your goals. Keep striving, keep serving, and keep inspiring. Congratulations, Kagawad! ๐Ÿ‘

SK Baay Family is so proud of you!

๐™‰๐™Š๐™๐™€: To our fellow youth who have also recently passed their examinations and are not yet featured, feel free to message our official page so we can celebrate and recognize your achievement as well.

๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ช๐™˜๐™˜๐™š๐™จ๐™จ, ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Š๐™ช๐™ง ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™! ๐ŸŽ‰The Sangguniang Kabataan of Baay proudly celebrates our fellow youth who ha...
20/09/2026

๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ช๐™˜๐™˜๐™š๐™จ๐™จ, ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Š๐™ช๐™ง ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™! ๐ŸŽ‰

The Sangguniang Kabataan of Baay proudly celebrates our fellow youth who have successfully passed their respective board and licensure examinations. Your dedication, perseverance, and hard work have brought you closer to the careers you have worked so hard to pursue.

๐—ฆ๐—ž ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ž๐˜‚๐—ฟ๐˜ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—บ๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐—ญ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฒ ๐—ฆ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ป, ๐—ฅ๐—ก
Registered Nurse

๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ. ๐—ง๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€, ๐—ฅ๐—ก
Registered Nurse

๐—˜๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฆ. ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ, ๐—ฅ๐—ฆ๐—ช
Registered Social Worker

May this achievement be a reminder of how far your determination and hard work can take you. As you begin this new chapter, may you continue to grow, serve with purpose, and make a positive difference in the lives of others.

Congratulations, Baay youth!
We are proud of you and excited to see where your journey takes you. Your SK Baay family celebrates this milestone with you! โค๏ธ

Note: To our fellow youth who have also recently passed their examinations and are not yet featured, feel free to message our official page so we can celebrate and recognize your achievement as well.




๐Ÿ† ๐€ ๐๐‘๐Ž๐”๐ƒ ๐Œ๐Ž๐Œ๐„๐๐“ ๐…๐Ž๐‘ ๐๐€๐€๐˜The Sangguniang Kabataan of Baay proudly extends its warmest congratulations to Mr. Van Macley ...
14/09/2026

๐Ÿ† ๐€ ๐๐‘๐Ž๐”๐ƒ ๐Œ๐Ž๐Œ๐„๐๐“ ๐…๐Ž๐‘ ๐๐€๐€๐˜

The Sangguniang Kabataan of Baay proudly extends its warmest congratulations to Mr. Van Macley Moulic for being named the ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿญ ๐—ข๐˜‚๐˜๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ผ๐—ณ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป at the KaAGA Awards of Pangasinan 2026! ๐ŸŽ‰๐Ÿ‘

This recognition is a testament to your dedication, passion, and genuine commitment to serving and making a difference in the community. Your willingness to step forward, take part, and use your time and talents for the benefit of others is truly something worth celebrating.

May this milestone inspire you to continue doing what you do best: serve, lead, and inspire. Keep pursuing your passion, keep making a difference, and never stop believing in what young people can contribute to our communities.

We hope you continue to inspire more young people to get involved, step up, and become part of positive change. There are still so many people you can reach and so many lives you can inspire.

Once again, congratulations, Sir Van! This achievement is something you truly deserve, and the Sangguniang Kabataan of Baay is proud of you! ๐Ÿ†๐Ÿ‘

๐˜ผ ๐™๐™ง๐™ž๐™ช๐™ข๐™ฅ๐™ ๐™’๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™ ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ! The ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ฎ๐—ฎ๐˜† proudly congratulates our fellow youth who have successful...
09/09/2026

๐˜ผ ๐™๐™ง๐™ž๐™ช๐™ข๐™ฅ๐™ ๐™’๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™ ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ!

The ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ฎ๐—ฎ๐˜† proudly congratulates our fellow youth who have successfully passed their respective examinations and taken another meaningful step toward their dreams and chosen professions.

๐—๐—ฒ๐—ป๐—ป๐˜†๐—น๐—ต๐—ฒ๐—ฒ ๐—œ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ผ, ๐—ฅ๐— ๐—ง
๐—•๐—ฆ ๐—ถ๐—ป ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ

๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—น๐—ฑ ๐—”๐—ฟ๐—ท๐—ฎ๐˜† ๐— . ๐—ฆ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ป, ๐—ฅ๐—–๐—ฅ๐—œ๐— 
๐—•๐—ฆ ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ด๐˜†

๐—ง๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฒ ๐—•. ๐—ฆ๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ, ๐—ฅ๐—–๐—ฅ๐—œ๐— 
๐—•๐—ฆ ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ด๐˜†

Your success is a testament to your perseverance, dedication, and countless hours of hard work. May this achievement inspire you to continue striving for excellence and becoming professionals who will make a difference in your community.

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—•๐—ฎ๐—ฎ๐˜† ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต! ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฆ๐—ž ๐—•๐—ฎ๐—ฎ๐˜† ๐—ณ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ถ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ฑ ๐—ผ๐—ณ ๐˜†๐—ผ๐˜‚!

NOTE: To our fellow youth who have also successfully passed their respective examinations and are not yet included in this post, kindly send a message to our official page so we can recognize and feature your achievement. Thank you!


๐๐€-๐‹๐”๐†๐€๐– ๐๐ˆ ๐’๐Š!Simpleng lugaw, malaking malasakit. Hatid ng Sangguniang Kabataan ng Baay ang mainit na palugaw para sa a...
20/08/2026

๐๐€-๐‹๐”๐†๐€๐– ๐๐ˆ ๐’๐Š!

Simpleng lugaw, malaking malasakit.
Hatid ng Sangguniang Kabataan ng Baay ang mainit na palugaw para sa ating mga kabarangay bata man o matanda, kabataan man o nakatatanda.

Sa simpleng paraan, sama-sama nating naipapakita ang tunay na diwa ng pagmamalasakit, pagbabahagi, at serbisyo sa komunidad. ๐Ÿฒโค๏ธ

05/08/2026
๐˜๐š๐ฉ๐š๐ค ๐š๐ญ ๐˜๐š๐ค๐š๐ฉSa likod ng bawat gintong medalya ay mga yapak na hinubog ng sipag at mga yakap na nagbigay-lakas sa isang...
04/08/2026

๐˜๐š๐ฉ๐š๐ค ๐š๐ญ ๐˜๐š๐ค๐š๐ฉ

Sa likod ng bawat gintong medalya ay mga yapak na hinubog ng sipag at mga yakap na nagbigay-lakas sa isang atletang piniling lumaban kahit kapos sa suporta.

Sa bawat pagputok ng starting gun, hindi lamang mga paa ang kumakaripas sa track. Kasabay nitong umaarangkada ang mga pangarap, sakripisyo, at pananalig ng isang atletang ilang taon nang pinipiling lumaban. Hindi lang oras at mga kalaban ang kanyang hinahabol, kundi pati ang pagkakataong mapatunayan na ang determinasyon ay kayang manaig kahit kapos sa suporta.

Ganito nagsimula ang paglalakbay ni Eric Joachim S. Hechanova ng Baay North, Lingayen, Pangasinan. Noong Grade 5, simpleng kagustuhan lamang ang nagtulak sa kanya upang subukan ang athletics. Nagpaalam siya sa kanyang mga g**o upang sumali sa pagtakbo, at mula noon ay naging bahagi na siya ng iba't ibang kompetisyon mula district meet hanggang sa mas matataas na antas ng paligsahan.

Halos walong taon na siyang nasa larangan ng athletics. Bagama't pansamantalang napahinto ang kanyang pagsasanay noong panahon ng pandemya, bumalik siya sa Grade 9 na mas determinado. Ang dating simpleng hilig sa pagtakbo ay naging pangarap na makapagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

Nagbunga ang kanyang pagsisikap nang mapabilang siya sa SEA U18 & U20 Athletics Championship sa Medan, Indonesia. Unang beses niyang lumaban sa isang international competition at agad niyang naiuwi ang gintong medalya.

"Parang ang bigat sa dibdib pero ang gaan sa pakiramdam. Kasi first time mong mararamdaman na hindi lang pangalan mo ang nire-represent mo, kundi buong Pilipinas," ani Eric.

Habang ang pangalan ni Eric ay unti-unting nakikilala sa national at international competitions, hindi ang lokal na pamahalaan ang unang sumalo sa kanyang pangarap. Isang coach ang tumulong sa pagbili ng kanyang mga kagamitan, nagbayad ng entry fee sa mga kompetisyon, at gumawa ng paraan upang makasali siya sa mga palaro. Kalaunan, mga pribadong organisasyon tulad ng Go for Gold at Lingayen Multi Sport ang nagpatuloy sa suportang nagbigay sa kanya ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanyang paglalakbay bilang atleta.

Sa kabila nito, aminado si Eric na ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging atleta ay hindi ang mabibigat na ensayo o mahihigpit na kompetisyon, kundi ang mga panahong pinanghihinaan siya ng loob dahil sa kakulangan ng suporta.

Maraming beses na rin siyang muntik sumuko. Sa tuwing nangyayari iyon, nariyan ang kanyang coach na si Coach Raymund Torio upang paalalahanan siyang huwag tumigil.

"Yang suporta darating 'yan pag may napatunayan ka na, kaya mas lalo mo pang galingan."

Hindi nagtapos sa panghihikayat ang suporta ni Coach Raymund Torio. Siya ang tumulong sa gastusin sa training, bumili ng mga gamit tulad ng sapatos, nagbayad ng entry fee sa mga kompetisyon, at gumawa ng paraan upang makasali si Eric sa mga palarong may bayad. Siya rin ang naging susi upang makapasok si Eric sa Junior National Team sa Triathlon at magkaroon ng kontrata sa Go for Gold. Kung wala ang mga taong handang magsakripisyo para sa kanya, aminado si Eric na maaaring hindi siya nakarating sa mga kompetisyong nagbigay sa kanya ng pangalan.

Hindi rin nagkulang ang kanyang pamilya sa pagbibigay ng suporta. Sa halip na pigilan siya sa isang sport na nangangailangan ng malaking gastos, pinili nilang samahan at hikayatin siyang ipagpatuloy ang kanyang pangarap.

Sa kasalukuyan, malaking bahagi ng kanyang pangangailangan sa mga kompetisyon ay sinasagot ng mga pribadong sektor tulad ng Go for Gold at Lingayen Multi Sport. Dahil dito, hindi pa siya nawawalan ng pagkakataong lumaban sa iba't ibang torneo.

Pagdating naman sa suporta mula sa lokal na pamahalaan, tahasan ang kanyang naging sagot.

"Hindi sapat ang suporta na naibibigay ng pamahalaan at kung minsan ay wala pa," aniya.

Masaya raw siyang kinikilala sa social media sa tuwing may naiuuwing medalya, ngunit hindi niya maiwasang isipin ang isang bagay.

"They're proud, but they have no support."

Para kay Eric, mahalaga ang pagkilala, ngunit mas kailangan ng isang atleta ang suporta bago pa man siya umakyat sa podium. Ang mga larawang ibinabahagi matapos ang bawat panalo ay bunga ng mahabang panahon ng pagsasanay, pagod, at mga gastusing kadalasang hindi nakikita ng publiko. Sa kanyang karanasan, mas maraming pagkakataong pribadong sektor at mga coach ang unang tumutulong kaysa sa mga institusyong inaasahang susuporta sa mga atletang kumakatawan sa bayan.

Naniniwala siyang malaking tulong kung magkakaroon ng maayos at ligtas na mga pasilidad, sapat na kagamitan, regular na pagsasanay sa ilalim ng mga kwalipikadong coach, tulong pinansyal, scholarship, medical assistance, at mga insentibong magbibigay ng lakas ng loob sa mga atletang patuloy na nagsusumikap.

Sa kabila ng lahat, patuloy siyang lumilikha ng kasaysayan. Dalawang rekord ang kanyang nabasag sa National Batang Pinoy, patunay na hindi hadlang ang limitadong suporta upang maabot ang matataas na pangarap.

Hindi pa rito nagtatapos ang kanyang mga layunin. Pangarap niyang makalaro sa SEA Games at World Games at makapag-uwi pa ng mas maraming gintong medalya para sa Pilipinas.

Kung bibigyan ng pagkakataong magsalita sa harap ng mga opisyal ng pamahalaan, simple ang kanyang panawagan.

"Lawakan ang suporta sa mga atleta. Hindi lang naman atleta ang pinupuri kapag may naiuuwing tagumpay; kasama rin ang bayan at ang lokal na pamahalaang kanyang kinakatawan."

Sa mga kabataang nangangarap ding maging atleta, isa ang kanyang paalala.

"Huwag mong isipin ang pagsuko. Gawin mo lang ang dapat mong gawin at subukan nang subukan. Kapag naabot mo ang pangarap mo, masasabi mo na lang sa sarili mo na, 'Buti hindi ako sumuko.' Kung kulang man ang suporta, huwag mong hayaang iyon ang maging dahilan para bitawan ang pangarap mo."

Maaaring nakaukit na ang pangalan ni Eric Joachim S. Hechanova sa mga rekord at medalya, ngunit para sa kanya, ang tunay na tagumpay ay darating kapag wala nang atletang kailangang umasa sa kabutihan ng iilang tao upang maipagpatuloy ang kanilang pangarap. Sapagkat ang suporta ay hindi dapat maging gantimpala lamang sa panalo. Ito ang pundasyong kailangan ng bawat atletang nagsisimula pa lamang mangarap, magsanay, at magdala ng pangalan ng kanyang bayan at ng Pilipinas sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—ช๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ฒ ๐—•. ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป

๐Ÿ“š๐ŸŽ’ ๐’๐Š ๐๐š๐š๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ž๐ฌ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆThe Sangguniang Kabataan of Barangay Baay successfully distributed school s...
14/06/2026

๐Ÿ“š๐ŸŽ’ ๐’๐Š ๐๐š๐š๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ž๐ฌ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ

The Sangguniang Kabataan of Barangay Baay successfully distributed school supplies to our high school and college students.

We hope that, in our own simple way, we were able to help and support your educational journey. Study hard, stay motivated, and continue pursuing your dreams.

Wishing all our student beneficiaries a successful and productive school year ahead! ๐Ÿ˜‡โค๏ธ

๐Ÿ† ๐’๐Š ๐’๐”๐Œ๐Œ๐„๐‘ ๐‹๐„๐€๐†๐”๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐€๐–๐€๐‘๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜ & ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐’๐”๐๐๐‹๐ˆ๐„๐’ ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐๐”๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ€๐ŸA heartfelt thank you to everyone who partici...
13/06/2026

๐Ÿ† ๐’๐Š ๐’๐”๐Œ๐Œ๐„๐‘ ๐‹๐„๐€๐†๐”๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐€๐–๐€๐‘๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜ & ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐’๐”๐๐๐‹๐ˆ๐„๐’ ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐๐”๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ€๐Ÿ

A heartfelt thank you to everyone who participated, supported, and attended the SK Summer League 2026 Awarding Ceremony and Sports Supplies Distribution.

Congratulations to all the champions, awardees, and participants for your hard work, dedication, and sportsmanship throughout the league. Your efforts made this event a great success.

We also hope that the sports supplies distributed will continue to support and encourage our youth in pursuing sports and promoting an active lifestyle within our community.

Thank you for being part of this memorable celebration. See you at our future activities and programs!

13/06/2026

๐Ÿ“ข๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“

Magandang araw, mga kabarangay!

Ang lahat ng nag-register at nagpalista para sa School Supplies Assistance Program ng SK Baay ay maaari nang i-claim ang kanilang school supplies mamayang 1:00 PM sa Baay Barangay Hall.

Mangyaring dalhin ang anumang school ID o iba pang kinakailangang patunay ng pagpaparehistro kung kinakailangan.

Maraming salamat at kita-kits mamaya kabaranggay!

Address

Baay Lingayen, Pangasinan
Lingayen
2401

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Baay Youth Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share