Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino

Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino MABUHAY! Maligayang pagdating sa opisyal na page ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL).

๐Ÿ๐Ÿ”/๐Ÿ๐Ÿ”| ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐†๐”๐‘๐Ž ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐€๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž! "๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข...
12/05/2026

๐Ÿ๐Ÿ”/๐Ÿ๐Ÿ”| ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐†๐”๐‘๐Ž ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐€๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž!

"๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ-๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ.โ€ โ€” ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ต

Buong pagmamalaki at taos-pusong pagbati mula sa ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ -๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ para sa ating mga nagsipagtagumpay sa Licensure Examination for Professional Teachers (LPT)

Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong walang sawang pagsisikap, pagpupursigi, at matatag na pananampalataya. Hindi naging madali ang landas na inyong tinahakโ€”maraming puyat, pagod, at pagsubokโ€”ngunit pinatunayan ninyo na ang tiyaga at determinasyon ay susi tungo sa tagumpay. Tunay ngang karapat-dapat kayong parangalan at hangaan!

Sa pag-abot ninyo sa mahalagang yugtong ito, dala ninyo hindi lamang ang titulo ng pagiging g**o, kundi pati ang responsibilidad na maging ilaw ng karunungan, gabay ng kabataan, at instrumento ng pagbabago sa lipunan. Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa edukasyon ay magsisilbing inspirasyon sa marami pang kabataang nangangarap ding makapagturo at makapaglingkod sa bayan.

Kasama ninyo ang ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ -๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ at patuloy kaming magiging katuwang ninyo sa bawat hakbang ng inyong propesyon at sa bawat pangarap na nais pa ninyong maabot.

๐Œ๐”๐‹๐ˆ, ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐€๐๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹ ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐Œ๐€๐ˆ๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐€๐“ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†๐Œ๐€๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐ˆ ๐๐€๐Œ๐ˆ๐ ๐Š๐€๐˜๐Ž!

๐Ÿ“Kimberly Garcia| Pangulo
๐Ÿ–ผ๏ธ Mj Mamaril| Panuportang Opisyales III



๐—–๐—˜๐——โ€™๐˜€ ๐—›๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ Nagkaisa ang ibaโ€™t ibang organisasyon at kinatawan ng mga mag-aaral sa isinagawang ๐—ฃ๐—ฆ๐—จโ€“๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฒ๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€-๐—ช...
07/05/2026

๐—–๐—˜๐——โ€™๐˜€ ๐—›๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Nagkaisa ang ibaโ€™t ibang organisasyon at kinatawan ng mga mag-aaral sa isinagawang ๐—ฃ๐—ฆ๐—จโ€“๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฒ๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€-๐—ช๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐˜‚๐—บ na ginanap sa Don Telesforo N. Bouquiren Convention Hall upang magbahagi ng mga pananaw, mungkahi, at mahahalagang usaping kinahaharap ng komunidad ng mga estudyante.

Naging daan ang nasabing forum upang higit na mapalakas ang ugnayan ng administrasyon at ng sektor ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng bukas na talakayan at aktibong pakikilahok ng bawat organisasyon. Dito ay malayang naipahayag ang mga hinaing at suhestiyon tungo sa mas makabuluhan, inklusibo, at responsibong pamamahala sa loob ng pamantasan.

Bilang pakikiisa sa layuning maitaguyod ang kapakanan at tinig ng mga mag-aaral, aktibong nakibahagi ang ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ sa makabuluhang konsultasyong ito.


๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐˜๐”๐†๐“๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐†๐”๐‘๐Ž ๐’๐€ ๐‡๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐‘๐€๐Noong ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ” ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, matagumpay na isinagawa sa Grand Legacy a...
07/05/2026

๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐˜๐”๐†๐“๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐†๐”๐‘๐Ž ๐’๐€ ๐‡๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐‘๐€๐

Noong ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ” ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, matagumpay na isinagawa sa Grand Legacy ang panayam para sa mga incoming first year ng BSEd Filipino bilang bahagi ng paghahanda sa panibagong akademikong taon. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral na may hangaring maging g**o at tagapagtaguyod ng wikang Filipino sa hinaharap. Sa pamamagitan ng isinagawang panayam, nabigyang pagkakataon ang bawat aplikante na maipakita ang kanilang kakayahan, determinasyon, at tunay na pagmamahal sa edukasyon at sariling wika.

Pinangunahan ang nasabing gawain ng mga kagalang-galang na g**o sa wika na sina ๐๐›. ๐€๐ฅ๐ž๐ฑ๐ข๐ž๐ฌ ๐‚๐ฅ๐š๐ข๐ซ๐ž ๐‘๐š๐จ๐ž๐ญ at ๐†. ๐…๐ก๐ฒ๐ซ๐ข๐œ๐ค ๐…๐ž๐ซ๐ซ๐ž๐ซ na nagsilbing gabay at tagapanayam sa buong proseso. Sa kanilang masusing pagsusuri at pagbibigay ng mahahalagang katanungan, nabigyang-diin ang kahalagahan ng dedikasyon, kahandaan, at puso sa pagpili ng kursong BSEd Filipino.

Hindi lamang ito isang simpleng panayam, kundi isa ring makabuluhang hakbang tungo sa paghubog ng mga susunod na g**o na magiging instrumento sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng wikang Filipino. Makikita sa bawat aplikante ang sigla, pag-asa, at pangarap na balang araw ay makapaglingkod sa larangan ng edukasyon.

Sa pagtatapos ng gawain, dala ng bawat kalahok ang inspirasyon at motibasyon upang ipagpatuloy ang kanilang nasimulang pangarap. Tunay ngang ang bawat hakbang ngayon ay paghahanda para sa mas maliwanag na kinabukasan bilang mga g**o ng bayan.


๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‚๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰, ๐ƒ๐ซ. ๐๐‘๐„๐๐ƒ๐€ ๐‡. ๐๐€๐‹๐€๐ƒ๐€๐ƒ! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚Isang malugod na pagbati sa inyong kaarawan! Kayo po ang nagsisilbing insp...
15/04/2026

๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‚๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰, ๐ƒ๐ซ. ๐๐‘๐„๐๐ƒ๐€ ๐‡. ๐๐€๐‹๐€๐ƒ๐€๐ƒ! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

Isang malugod na pagbati sa inyong kaarawan! Kayo po ang nagsisilbing inspirasyon at pangalawang magulang sa aming lahat. Salamat sa inyong walang sawang pagbabahagi ng dunong at sa paggabay sa amin upang maging handa sa hamon ng buhay.

Hindi matatawaran ang inyong pasensya, malasakit, at husay sa pagtuturo. Ang inyong dedikasyon sa propesyon ay nagsisilbing motibasyon sa bawat mag-aaral na magsikap at mangarap nang mataas. Mapalad po kaming naging bahagi ng inyong mga klase at gabay.

Dalangin namin ang inyong patuloy na kalakasan, kalusugan, at saganang biyaya mula sa Itaas. Nawaโ€™y maging puno ng saya at pagmamahal ang araw na ito kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay.

๐— ๐˜‚๐—น๐—ถ, ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐——๐—ฟ. ๐—•๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—›. ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ! โœจโค๏ธ

โ€Ž๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐Š๐š-๐–๐ข๐ค๐š!โ€Žโ€ŽIsang kahanga-hangang tagumpay ang  ipinamalas ni ๐Š๐š๐ญ๐ž ๐€๐ข๐ซ๐š ๐•. ๐…๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐๐ž๐ณ, isang mag-aaral sa ika-apat...
14/04/2026

โ€Ž๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐Š๐š-๐–๐ข๐ค๐š!
โ€Ž
โ€ŽIsang kahanga-hangang tagumpay ang ipinamalas ni ๐Š๐š๐ญ๐ž ๐€๐ข๐ซ๐š ๐•. ๐…๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐๐ž๐ณ, isang mag-aaral sa ika-apat na taon, matapos niyang masungkit ang ๐ˆ๐ค๐š๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐†๐š๐ง๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š sa ginanap na ๐‚๐๐‘๐‚ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ-๐‹๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฎ๐ข๐ณ ๐๐ž๐ž noong ๐€๐›๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ’ sa ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ง ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐”๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ โ€“ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐š๐ฒ๐ž๐ง ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ. Sa gitna ng matinding kompetisyon na nilahukan ng mga piling kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang departamento, napatunayan niya na ang kanyang kahandaan, talas ng isipan, at matibay na pundasyon sa larangan ng edukasyon ang susi sa katagumpayan.
โ€Ž
โ€ŽAng kanyang pagkapanalo ay hindi lamang sumasalamin sa kanyang personal na pagsisikap at dedikasyon, kundi pati na rin sa patuloy na paggabay at suporta ng kanyang mga g**o, kamag-aral, at ng institusyong kanyang kinabibilangan. Higit pa rito, ito ay patunay ng kalidad ng edukasyong ipinagkakaloob sa kanyaโ€”isang edukasyong humuhubog hindi lamang ng talino kundi pati ng karakter at propesyonalismo ng isang g**o.
โ€Ž
โ€ŽMuli, isang mainit na pagbati mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino.
โ€Ž

โ€Ž๐Š๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ก๐š๐ง ๐๐ข๐ฒ๐จโ€™๐ฒ ๐€๐ฅ๐š๐š๐ฅ๐š ๐๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโ€Žโ€ŽAng kagitingan ay hindi lamang nasusukat sa sakripisyo, kundi makikita sa araw-araw...
09/04/2026

โ€Ž๐Š๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ก๐š๐ง ๐๐ข๐ฒ๐จโ€™๐ฒ ๐€๐ฅ๐š๐š๐ฅ๐š ๐๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
โ€Ž
โ€ŽAng kagitingan ay hindi lamang nasusukat sa sakripisyo, kundi makikita sa araw-araw na tapang ng bawat Pilipinong humaharap sa mga hamon ng buhay.
โ€Ž
โ€ŽSa sipag sa trabaho, dedikasyon sa pamilya, malasakit sa kapwa, at pagpupunyagi para sa kinabukasan, isinasabuhay natin ang tunay na diwa ng bayanihan at kabayanihan.
โ€Ž
โ€ŽSa paggunita ng ika-84 na Araw ng Kagitingan, alalahanin natin ang sakripisyo ng ating mga bayani at patuloy na itaguyod ang kanilang pamana sa pamamagitan ng pagkakaisa, sipag, at malasakit sa komunidad.
โ€Ž
โ€ŽAng kanilang katapangan ay paalala na sa bawat hamon, may pagkakataon tayong maging bayani sa sarili nating paraan. Sa makabagong panahon, ang kabayanihan ay makikita sa paglilingkod sa kapwa, sa pag-angat ng komunidad, at sa sama-samang pagsisikap para sa mas maayos na bukas.
โ€Ž
โ€ŽAng kabayanihan ng ating mga bayani ay buhayโ€”at patuloy nating isinasabuhay, araw-araw.

Sa pagtatapos ng ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง, hindi lamang dito nagtatapos ang ating pagkilala sa kanilang lakas, tapang, at...
31/03/2026

Sa pagtatapos ng ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง, hindi lamang dito nagtatapos ang ating pagkilala sa kanilang lakas, tapang, at kahalagahan sa ating lipunan. Ang buwan na ito ay paalala lamang kung gaano kalaki ang papel na ginagampanan ng bawat kababaihanโ€”sa tahanan, sa komunidad, at sa buong mundo.

Sa likod ng bawat tagumpay ay ang kanilang sipag at determinasyon. Sa bawat hamon na kanilang hinaharap, nariyan ang kanilang tibay ng loob at paninindigan. Sila ay ilaw na nagbibigay inspirasyon, lakas na nagbibigay pag-asa, at tinig na patuloy na lumalaban para sa tama at makatarungan.

Nawaโ€™y hindi lamang sa buwang ito natin sila pahalagahan, kundi sa bawat araw ng ating buhay. Ipagpatuloy natin ang pagbibigay respeto, suporta, at pagkilala sa kanilang kakayahan at kontribusyon. Sapagkat ang tunay na pag-unlad ng lipunan ay nagsisimula sa pagkilala sa halaga ng bawat isaโ€”lalo na ng kababaihan.

Mabuhay ang lahat ng kababaihan! Patuloy kayong maging inspirasyon sa bawat isa sa atin.

Malaki at taos-pusong pagbati kay ๐€๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ๐š๐ง๐๐ซ๐š ๐†๐ฎ๐ญ๐ข๐ž๐ซ๐ซ๐ž๐ณ sa pagkakamit ng ๐๐ซ๐จ๐ง๐ณ๐ž ๐Œ๐ž๐๐š๐ฅ sa ๐“๐š๐ž๐ค๐ฐ๐จ๐ง๐๐จ ๐๐จ๐จ๐ฆ๐ฌ๐š๐ž sa nagdaang 20...
01/03/2026

Malaki at taos-pusong pagbati kay ๐€๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ๐š๐ง๐๐ซ๐š ๐†๐ฎ๐ญ๐ข๐ž๐ซ๐ซ๐ž๐ณ sa pagkakamit ng ๐๐ซ๐จ๐ง๐ณ๐ž ๐Œ๐ž๐๐š๐ฅ sa ๐“๐š๐ž๐ค๐ฐ๐จ๐ง๐๐จ ๐๐จ๐จ๐ฆ๐ฌ๐š๐ž sa nagdaang 2026 SCUAA-1 Regional Games na ginanap sa University of Northern Philippines, Vigan.

Ang karangalang ito ay patunay ng kanyang kahusayan, disiplina, at matibay na determinasyon sa larangan ng isports. Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang personal na tagumpay kundi karangalang hatid sa pamantasan at sa buong komunidad ng mga mag-aaral.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang kanyang tagumpay sa iba pang mag-aaral upang patuloy na magsikap at pagyamanin ang kani-kanilang kakayahan. Patuloy na sinusuportahan ng KAMFIL ang mga adhikaing nagtataguyod ng kahusayan at karangalan.

Muli, taos-pusong pagbati at pagpupugay mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL).

๐Ÿ“ Brylle Castrence | Kinatawan II
๐Ÿ–ผ๏ธ Ivan Vladimir Carillo at Jan Lord Castillo | Tagapagbalita

"๐„๐ƒ๐’๐€: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ฉ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š"40 taon na ang nakalipas, ngunit ang alaala ng nakalipas ay patuloy na na...
25/02/2026

"๐„๐ƒ๐’๐€: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ฉ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š"

40 taon na ang nakalipas, ngunit ang alaala ng nakalipas ay patuloy na nagsisilbing gabay sa ating laban para sa tunay na demokrasya at kalayaan. Sa bawat hakbang, napatunayan ng bawat Pilipino ang lakas ng pagkakaisa at tapang. Ngayong ika-25 ng Pebrero ay ipinagdiriwang natin ang EDSA People Power Revolution, isang buhay na alaala ng bayaning pagkilos at pagmamahal sa bayan.

Sa paggunita ng ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ’๐ŸŽ ๐š๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐„๐ƒ๐’๐€, nawa'y magsilbing paalala sa atin ang mga sakripisyo at tagumpay ng nakaraan. Magkaisa tayo sa patuloy na pagsusulong ng mga prinsipyong nagbigay daan sa ating kalayaan at demokrasya.

๐Ÿ“ ๐‘๐จ๐ฆ๐š๐ง ๐ƒ๐ž ๐†๐ฎ๐ณ๐ฆ๐š๐ง | Pangalawang Pangulo
๐Ÿ–ผ๏ธ ๐ˆ๐ฏ๐š๐ง ๐•๐ฅ๐š๐๐ข๐ฆ๐ข๐ซ ๐‚๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ | Tagapagbalita

โ€Ž๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐š๐Ÿ๐ญ๐ฌ, ๐ง๐จ๐ญ๐ž๐ฌ, ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ญ๐š๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค ๐ง๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง๐š๐งโ€ฆ ๐ฉ๐ž๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ ๐ง๐š!โ€Žโ€ŽNarito na ang mga KAM...
14/02/2026

โ€Ž๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐š๐Ÿ๐ญ๐ฌ, ๐ง๐จ๐ญ๐ž๐ฌ, ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ญ๐š๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค ๐ง๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง๐š๐งโ€ฆ ๐ฉ๐ž๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ ๐ง๐š!
โ€Ž
โ€ŽNarito na ang mga KAMFEELINGS na ipinadala ninyo โ€” mga salitang puno ng tapang, kilig, at kaunting kaba.
โ€Ž
โ€ŽBawat confession ay may kwento, may paghihintay, at may pusong umaasang mapansin.
โ€Ž
โ€ŽBasahin nang mabuti โ€” baka makita mo ang pangalan mo o maramdaman mong para saโ€™yo ang mensahe. Malay mo, ang simpleng pagbasa mo ngayon ang maging simula ng bagong kilig bukas.
โ€Ž
โ€ŽLubos ang pasasalamat ng KAMFIL sa inyong pakikiisa sa pagpapahayag ng mga nakatagong damdamin.
โ€Ž
โ€ŽHanggang sa susunod na pagbabahagi ng inyong nararamdaman sa โ€œ๐ˆ-๐‚๐Ž๐๐…๐„๐’๐’ ๐Œ๐Ž, ๐Š๐€๐Œ๐…๐„๐„๐‹๐ˆ๐๐†๐’ ๐Œ๐Ž!โ€
โ€Ž
โ€ŽKaya namanโ€ฆ handa na ba kayong kabahan, ngumiti, at kiligin? ๐Ÿ’Œ

Ps. Ito ay parte lamang ng pakikiisa ng KAMFIL sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
โ€Ž
โ€Ž

โ€Ž๐ˆ-๐‚๐Ž๐๐…๐„๐’๐’ ๐Œ๐Ž, ๐Š๐€๐Œ๐…๐„๐„๐‹๐ˆ๐๐†๐’ ๐Œ๐Ž! ๐Ÿ’Œโ€Žโ€ŽKung kaya mong magpuyat para sa requirements, kaya mo rin sig**ong magpakatapang para ...
14/02/2026

โ€Ž๐ˆ-๐‚๐Ž๐๐…๐„๐’๐’ ๐Œ๐Ž, ๐Š๐€๐Œ๐…๐„๐„๐‹๐ˆ๐๐†๐’ ๐Œ๐Ž! ๐Ÿ’Œ
โ€Ž
โ€ŽKung kaya mong magpuyat para sa requirements, kaya mo rin sig**ong magpakatapang para sa feelings mo.
โ€Ž
โ€ŽNgayong Araw ng mga Puso, ito na ang perfect timing para i-submit ang pinaka-importanteng requirement โ€” ang confession mo!
โ€Ž
โ€Žโ€™Wag puro โ€œseen.โ€
โ€Žโ€™Wag puro react sa My Day at posts.
โ€Žโ€™Wag puro parinig sa notes.
โ€Ž
โ€ŽHuwag nang gawing secret mission ang pag-amin. Isang simpleng โ€œHi, Crush!โ€ lang, baka doon na magsimula ang love story ninyo. Malay mo, pareho lang pala kayong naghihintayan.
โ€Ž
โ€ŽKaya ano pang inaantay ninyo, PSUnians?
โ€Ž
โ€ŽConfess your KAMFEELINGS na!

Ps. Ito ay parte lamang ng pakikiisa ng KAMFIL sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Address

Alvear Street
Lingayen

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share