29/07/2026
LIMANG OPISYAL NG LOFA DUMALO SA 2-ARAW NA PAGSASANAY NG OWWA SA ALAMINOS CITY
July 27-28, 2006 || Matagumpay na nakilahok ang limang (5) opisyal ng Lingayen OFW Family Association (LOFA) sa isinagawang dalawang araw na pagsasanay na pinamagatang βStrengthening the 24/7 Operations: Enhancing Gender-Responsive Welfare Case Management and Repatriation Assistance Training with OFC Leaders in Region Iβ na inorganisa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Alaminos City, Pangasinan.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga lider ng OFW Family Circles (OFCs) sa pagbibigay ng agarang tulong at wastong paghawak ng mga kaso ng mga OFW at kanilang pamilya, kabilang ang welfare concerns, repatriation assistance, crisis intervention, at gender-responsive case management.
Bilang resulta ng pagsasanay, ang limang opisyal ng LOFA ay maituturing nang mga Community Case Officers na may sapat na kaalaman at kasanayan sa pagsasagawa ng paunang pagtatasa ng kaso, wastong dokumentasyon, pagbibigay ng gabay, at pagre-refer ng mga kaso sa Migrants Desk Office (MDO), OWWA, at iba pang kaugnay na ahensya.
Ang kanilang pagdalo sa pagsasanay ay isang mahalagang hakbang upang higit pang mapalakas ang serbisyo ng Lingayen OFW Family Association sa mga OFW at kanilang pamilya sa bayan ng Lingayen. Sa pamamagitan ng mga sinanay na opisyal, mas magiging maagap, maayos, at makatao ang pagtugon sa mga suliranin at pangangailangan ng mga OFW at kanilang mga mahal sa buhay.
Patuloy na isinusulong ng LOFA ang adhikain nitong βPagpapalakas sa mga Pamilyang OFW at Pagbuo ng Mas Matatag na Pamayanan sa pamamagitan ng Produktibidad at Kaunlaran.β