Anchor Youth Ministers

Anchor Youth Ministers A ministry and part of LABC that endeavors to reach the youth today with the Word of God.

Mayroon bang anumang bagay na napakahirap para sa Panginoon?May mga sandali sa ating buhay na tinatawag tayong maging ma...
26/09/2026

Mayroon bang anumang bagay na napakahirap para sa Panginoon?

May mga sandali sa ating buhay na tinatawag tayong maging matatag at matapang — mga panahong kailangan nating humakbang pasulong, harapin ang takot, at paglabanan ang mga pagdududa. Mga sandaling kailangan nating matutong tumayo nang matatag at magpatuloy kahit nanginginig na ang mga kamay sa laban.

Subalit mahirap magpakatapang sa mga sandaling pakiramdam natin ay hindi tayo sapat o hindi tayo handa para sa laban.

Sa talatang ito, nakatakdang harapin nina Moises at ng Israel si Og, ang makapangyarihang hari ng Basan. Alam ng Panginoon ang maaaring nararamdaman ni Moises sa sandaling iyon — kung kaya't sinabi ng Panginoon sa kanya, “Huwag kang matakot.”

May dahilan upang matakot si Moises sa mga sandaling ito. Batid niya kung gaano kalaki at kalakas si Og at ang kaniyang kaharian. Kung sa kanilang sariling kakayahan lamang, tila imposibleng mapagtagumpayan ang laban.

Ngunit kasama nila ang Panginoon!

Hindi nila kailangang maging pinakamalakas na sundalo, o magkaroon ng sapat na kakayahan sa lahat ng bagay upang magtagumpay. Ang kailangan nila ay pusong nakahandang sumunod at manatiling nagtitiwala sa Diyos na nauna nang nangako ng Kaniyang presensya sa lahat ng oras at pagkakataon.

May mga laban sa lakbaying ito na hindi natin kayang harapin sa sarili nating lakas. May mga pagkakataong mararamdaman nating kulang tayo, hindi handa, o hindi sapat. Subalit hindi hinihingi ng Panginoon na maging sapat ang sarili nating kalakasan— tinuturuan Niya tayo na umasa at magtiwala lamang sa Kaniyang kakayahan at kalakasan.

Kaya ating itanong sa ating sarili: Mayroon bang anumang bagay na napakahirap para sa Panginoon?

Isang mapagpalang-araw sa iyo!

Mga Bilang 21:34-35 (ADB) At sinabi ng Panginoon kay Moises, Huwag mo siyang katakutan; sapagka't aking ibinigay siya sa iyong kamay, at ang buong bayan niya, at ang kaniyang lupain, at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon. Gayon nila sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak, at ang buong bayan niya hanggang sa walang natira sa kaniya: at kanilang inari ang kaniyang lupain.

Marami sa atin ang makapagsasabi na masayang maglingkod sa Diyos. Ngunit ang tunay na paglilingkod sa Kaniya ay hindi la...
24/09/2026

Marami sa atin ang makapagsasabi na masayang maglingkod sa Diyos. Ngunit ang tunay na paglilingkod sa Kaniya ay hindi lamang nasusukat sa ating ginagawa para sa Kaniya. Kaakibat ng paglilingkod ang patuloy na pagtitiwala, pag-ibig, at pagsunod sa Kaniyang mga utos.

Hindi madaling sumunod sa Diyos, sapagkat may mga bagay sa ating buhay na kailangan nating isantabi. Minsan, kailangan nating talikuran ang ating sariling kagustuhan, mga nakasanayan, at mga bagay na maaaring humadlang sa ating relasyon sa Kaniya.

Ngunit ipinapaalala sa atin ng Diyos na ang pagsunod ay bunga ng pag-ibig. Kapag tunay nating minamahal ang Diyos, nanaisin nating sundin ang Kaniyang kalooban, hindi dahil napipilitan tayo, kundi dahil nais nating ipakita sa ating buhay ang ating pagmamahal sa Kaniya.

Kaya sa bawat araw, tanungin natin ang ating sarili: Ang aking pagmamahal ba sa Diyos ay nakikita rin sa aking pagsunod sa Kaniya?

Nawa’y ang ating paglilingkod ay hindi lamang makita sa ating mga salita at ginagawa, kundi higit sa lahat, sa isang pusong handang magtiwala, sumunod, at manatiling tapat sa Diyos.

Juan 14:15 (ADB)
Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.

Sa mga unang parte ng aklat ng Kawikaan, mapapansin natin na ang karunungan ay hinalintulad sa isang taong babae- na mis...
23/09/2026

Sa mga unang parte ng aklat ng Kawikaan, mapapansin natin na ang karunungan ay hinalintulad sa isang taong babae- na mistulang nanay na paulit-ulit na nagsasaway sa kanyang mga anak; nagbibigay ng mga babala at direksyon upang hindi malihis ang kanyang anak sa landas.

𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮𝙧𝙤𝙤𝙣 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙀𝙨𝙥𝙞𝙧𝙞𝙩𝙪 𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨, 𝙢𝙖𝙮𝙧𝙤𝙤𝙣 𝙠𝙖 𝙣𝙖 𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙜𝙪𝙩𝙖𝙣 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙡𝙪𝙢𝙞𝙝𝙞𝙨 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙣𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙖𝙣.

Isa sa mga kilos ng Espirito Santo ay ang pagpapaalala ng Salita ng Diyos sa atin. Sa oras ng mga tukso at pagsubok at ika’y puspos ng Espirito ng Diyos, maaring ipaalala sa atin ng Espirito ang mga aral na napulot natin mula sa Salita ng Diyos at pati na rin ang mga babala at mga pagsasaway.

Kaya napakahalaga na sa unang pangungusap pa lamang ng Espirito, tayo’y agad na sumunod na mayroong pagpapakumbaba– na wala nang pagdadahilan, pagrarason, at pagdadalawang-isip. Naway huwag nating palagpasin ang tinig ng Diyos upang maiwasan natin ang himagsik ng Kanyang pagpapalo.

📜 𝐾𝑎𝑤𝑖𝑘𝑎𝑎𝑛 1:24 𝐴𝐷𝐵 "𝑆𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎'𝑡 𝑎𝑘𝑜'𝑦 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑤𝑎𝑔, 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑦𝑜'𝑦 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑛𝑔𝑔𝑖: 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑖𝑢𝑛𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑦, 𝑎𝑡 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑛𝑖𝑔;"

Katulad ng isang matuwid na magulang, kapag nakikita niyang mali ang ginagawa ng kanyang anak, itinatama niya ito at tin...
22/09/2026

Katulad ng isang matuwid na magulang, kapag nakikita niyang mali ang ginagawa ng kanyang anak, itinatama niya ito at tinuturuan sa tamang paraan.

Ganoon din ang Panginoon, maraming beses sa ating buhay ay tayo rin naman ay pinapalo ng Diyos kung tayo ay nakagagawa ng pagkakasala o hindi tama sa Kanyang harapan. Marami Siyang kaparaanan na ginagawa; maaaring ito'y sa pamamagitan ng pangangaral ng Kanyang Salita, mga sitwasyon sa buhay, o sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid sa atin. Iba't iba man ang Kanyang ginagawa, ngunit isa ang hangarin, maituwid tayo sa ating mga kamalian buhat ng kanyang pagmamahal.

Minsan, tayo ay nasasaktan sa Kanyang mga paraan ngunit nawa'y makita natin na nais lang ng Diyos na tayo'y mapabuti at ituro sa tamang landas.

Walang palong hindi masakit, ngunit tiyak na lahat ng palo ay may pakinabang para tayo'y matuto, maituwid, at tulungang lumago sa Kanyang biyaya—pagpapalo na may kasamang pagpapala.

Huwag nawa sumama ang ating mga loob kung tayo ay pinapalo ng Panginoon, bagkus tayo ay tumugon at sumunod, tinatanggap ang ating maling nagawa nang mayroong pagsisisi. Tandaan natin na tayo'y Kanya nang mga anak, at bilang isang mapagmahal na Ama, nais Niyang tayo ay matuto mula sa ating mga pagkakamali.

Hebreo 12:6-7 (ADB) "Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; kayo'y pinakikitunguhan ng Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama?"

Ang paglago sa biyaya at kaalaman kay Kristo ay isang napakahalagang bagay sa buhay ng mga mananampalataya, sapagkat ito...
21/09/2026

Ang paglago sa biyaya at kaalaman kay Kristo ay isang napakahalagang bagay sa buhay ng mga mananampalataya, sapagkat ito ang daan upang makapamuhay tayo nang malinis at kalugod-lugod sa harapan ng Diyos. Subalit sa kabila nito, napakarami pa rin ang nangangapa kung papaano ito tunay na mararanasan.

Upang maunawaan ito, dapat nating makita na ang paglago sa biyaya at ang kaalaman kay Kristo ay magkaugnay sa isa't isa. Ang kaalaman kay Kristo ang nagtuturo sa atin kung anu-ano ang mga dapat makita sa atin bilang mga anak ng Diyos, at kung ano ang mga dapat nating gawin upang maging katulad tayo ni Kristo. Ang biyaya naman ay ang gawa at kilos ng Diyos sa atin na nagmumula sa nakuhang kaalamang iyon; ito ang siyang tumutulong at nagbibigay-lakas sa atin upang ipamuhay ang mga natutuhan natin mula sa Kanya.

Kaya naman, ang paglago sa biyaya ay nangangailangan ng patuloy na paglago sa kaalaman kay Kristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Salita ng Diyos. Sa paraang ito, mararanasan natin ang isang malinis at kalugod-lugod na buhay sa harapan ng Panginoon.

"Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa." 2 Pedro 3:18

Sa Aklat ni Jonas, nagbigay ang Diyos ng malinaw na utos kay Jonas: Pumunta sa Nineveh at ipahayag ang Kanyang paghuhuko...
20/09/2026

Sa Aklat ni Jonas, nagbigay ang Diyos ng malinaw na utos kay Jonas: Pumunta sa Nineveh at ipahayag ang Kanyang paghuhukom at ang Kanyang Salita. Ang Nineveh ay kilala bilang isang masamang lungsod, na tanyag sa kalupitan at kasalanan nito.

Dahil dito, ayaw pumunta ni Jonas. Sa halip na sumunod, tumakas si Jonas. Hindi siya sumakay ng barkong patungong Nineveh; sa halip, humanap siya ng barkong patungo sa kabilang direksyon—sa Tarsis.

Sa gitna ng kanyang paglalakbay, nagpadala ang Diyos ng malakas na hangin at matinding bagyo sa dagat—napakalakas anupa't muntik nang mawasak ang barko. Nangyari ito dahil wala si Jonas sa sentro ng kalooban ng Diyos.

Ang kalooban ng Diyos para kay Jonas ay pumunta sa Nineveh at mangaral, ngunit tumanggi siyang sumunod. At dahil wala siya sa kaloobang iyon, hindi siya nakaranas ng kapayapaan—bagkus ay kaguluhan at bagyo lamang.

Mga minamahal, nawa’y magsilbi itong paalala sa atin. Lagi nating suriin ang ating sarili at itanong: Ako ba ay tunay na nasa sentro ng Kanyang kalooban?

Sapagkat walang tunay na kapayapaan sa pagtakas. Maaari nating takbuhan ang utos ng Diyos, ngunit hindi natin matatakbuhan ang Kanyang presensya. Ang bagyong naranasan ni Jonas sa dagat ay larawan lamang ng bagyong mararanasan ng puso kapag malayo tayo sa Diyos — magulo, mabigat, at walang kapahingahan. Ngunit ang kagandahan, kahit sa gitna ng ating pagtakas, hindi Siya tumitigil sa pagtawag. Ang bagyo ay hindi para wasakin tayo, kundi para tayo'y ibalik sa tamang direksyon.

Jonas 1:4 (ADB) Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira.

Bilang tao, ang ating kaisipan pagdating sa salitang "pagpapala" o "biyaya" ay agad na nangangahulugang maayos na buhay ...
19/09/2026

Bilang tao, ang ating kaisipan pagdating sa salitang "pagpapala" o "biyaya" ay agad na nangangahulugang maayos na buhay na puno ng materyal na bagay at malayo sa mga problema o kabigatan.

Sa kabilang banda at sa pananaw ng mga tunay na taga-sunod ni Kristo, ito ay may malalim na kasagutan. Sapagkat ang biyaya ng Diyos ay hindi lamang nakapaloob sa mga materyal na bagay at sa kawalan ng presensya ng mga suliranin. Ang pinakamataas na antas na sakop ng biyaya Niya ay ang pagtanggap sa espiritwal na kaloob na bunga na sakripisyo ni Kristo—ang KALIGTASAN. Matapos ang pagtanggap sa dakilang regalong ito ay saka na lamang susunod ang napakarami at napakadakilang mga pangako ng Diyos at mga espiritwal o materyal na Kaniyang pagpapala.

Napakayaman ng Panginoon kung ating iisa-isahin ang mga pagpapalang kaya Niyang ibigay sa mga nagsisisampalataya't sumusunod sa Kaniya. Datapuwa't hindi lamang nais ng Diyos na malaman mo lang ang katotohanang ito, bagkus nais Niyang ito'y iyong maranasan mismo sa buhay na Siya'y kasama, at maramdaman ang pag-ibig at aruga ng isang Dakilang Ama.

"Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo." - Efeso 1:3 (ADB)

Nang sa gayon, katulad ni Apostol Pablo at ng iba pang mga Kristiyano, ika'y makakapagpuri rin naman sa Diyos sapagkat iyong nasaksihan kung gaano Siya naging mabuti at tapat na Panginoon sa iyong buhay. Ito'y mangyayari kung una sa lahat ay iyo nang sinampalatayanan si Kristo, at ika'y nabubuhay sa sentro ng Kaniyang kalooban. Tiyak na Siya'y hindi madamot upang ika'y pagkaitan ng mga pangakong Kaniya nang inihayag.

Nawa'y iyong maranasan ang pusong mapagpasalamat hindi lamang dahil sa kung anong mayroon ka, kundi dahil sa Panginoon na mayroon ka. Ang pagpalain ka ng Diyos ay aming dalangin.

𝗛𝗘 𝗗𝗢𝗘𝗦𝗡'𝗧 𝗧𝗛𝗥𝗢𝗪 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗬 𝗔𝗪𝗔𝗬A potter shapes, molds, and forms art from clay. A clay without a form can never be used a...
12/09/2026

𝗛𝗘 𝗗𝗢𝗘𝗦𝗡'𝗧 𝗧𝗛𝗥𝗢𝗪 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗬 𝗔𝗪𝗔𝗬

A potter shapes, molds, and forms art from clay. A clay without a form can never be used and a clay without a potter is without value. Just like how clay depends on the potter for it to have a meaningful outcome, so should we who have been bought by Christ, ought to depend upon the Greatest Potter—God.

God commanded Jeremiah to go into the potter's house. Prophet Jeremiah witnessed how a marred clay was altered into another vessel that seemed good to the eyes of the maker. Then God proceeded with this passage "Cannot I do with you as this potter?"

There is still time, God is talking to you today. If you have been walking so far from God. Come near, He is waiting. Repent and completely surrender. God does not throw away the damaged clay; He crafts it into something more beautiful. The process may indeed be long, but in all the stretching, pulling, heating and shaping His ultimate desire was to make us fit as a vessel He can use. Trust the Potter's hand.

📜 Jeremiah 18:6 (KJV), "O house of Israel, cannot I do with you as this potter? saith the LORD. Behold, as the clay is in the potter's hand, so are ye in mine hand, O house of Israel."

Consider these things today. May God bless you.✨

𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙝𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙠𝙖𝙢𝙥𝙞 𝙤 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙮 𝙠𝙪𝙢𝙖𝙠𝙖𝙝𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙝𝙞𝙝𝙞𝙧𝙖𝙥 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙩𝙬𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣. Sa mga oras ng matind...
11/09/2026

𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙝𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙠𝙖𝙢𝙥𝙞 𝙤 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙮 𝙠𝙪𝙢𝙖𝙠𝙖𝙝𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙝𝙞𝙝𝙞𝙧𝙖𝙥 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙩𝙬𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣. Sa mga oras ng matinding paghihirap, gusto natin na mayroong nakakaintindi sa ating nararamdaman– na tila ba’y nababawasan ang bigat ng ating nararamdaman.

Dahil dito, marahil ay lumalapit tayo sa mga taong malapit sa ating puso o sa mga taong pinagkakatiwalaan natin. Ngunit, alam natin na mayroong pagkukulang ang mga tao.

Limitado lamang ang mga tao upang malaman ang tunay na sigaw ng ating mga kaluluwa.

Hindi pa masyado malinaw ang paningin ng tao para makita ang tunay na pinta ng ating mga mukha sa likod ng mukhang nakangiti.

Kulang pa ang pag-unawa ng tao upang malaman ang tunay na nilalaman ng ating puso’t isipan.

May posibilidad ng ang tao ay di-sasangayon, sasalungat, at magiging kaalitan natin.

Ngunit, kung tayo ay lalapit sa Diyos– na nasa Kanya ang lahat ng karunungan at kapangyarihan; tiyak na kaya Niyang maabot ang pinaka-kaibuturan ng ating pangangailangan.

Hindi lamang ang mga pangangailangan natin ang alam ng Diyos, kundi ang mga bagay na kinatatakutan at ikakapahamak natin.

Kahit maraming tao man ang sumalungat sa atin ngunit ang Diyos ang ating kakampi, tiyak na sa atin pa rin ang tagumpay

Nawa'y ang Diyos lamang ang mas-kinakapitan natin sa oras na kailangan natin ng kakampi.

𝙿𝚊𝚝𝚞𝚕𝚘𝚢 𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚝𝚒𝚠𝚊𝚕𝚊!

— 𝐴𝑤𝑖𝑡 118:6 (𝐴𝐷𝐵) " 𝐴𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑚𝑝𝑖 𝑘𝑜; ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑎𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑘𝑜𝑡: 𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛?"

Pakaisipin natin ang isang kawan ng mga tupa na walang pastol — walang nangunguna, nagbabantay, o nangangalaga sa kanila...
10/09/2026

Pakaisipin natin ang isang kawan ng mga tupa na walang pastol — walang nangunguna, nagbabantay, o nangangalaga sa kanila. Isipin natin kung gaano sila kadaling maligaw at kung gaano sila kahina laban sa mga panganib at kaaway na umaaligid. Kung wala ang pastol na gumagabay at nag-iingat sa kanila, madali silang mapapahamak at maliligaw ng landas. Ganoon din tayo bilang mga Kristiyano kung wala ang Panginoong Jesu Cristo sa ating buhay.

Sa gitna ng mga tukso, pagsubok, sariling kahinaan, at mga impluwensya ng mundo, tinatawag tayong magpasakop sa pamumuno at pangangalaga ni Kristo, sapagkat sa Kanya lamang natin matatagpuan ang tunay na kapayapaan, kalakasan, at patnubay. Bilang mga Kristiyano, dapat nating makilala ang Kanyang tinig sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang Salita, pananalangin, at paghingi ng patnubay sa Banal na Espiritu. Si Kristo ang Mabuting Pastol na nangunguna at gumagabay sa atin tungo sa isang buhay na malaya, matuwid, at makabuluhan.

Nakasaad sa Juan 10:4:

“Pagka nailabas na niya ang lahat ng sariling kaniya, ay pinangungunahan niya sila, at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa: sapagka't nakikilala nila ang kaniyang tinig.”

Kaya't sa buhay nating ito, o ni sa anumang pagsubok na dumating sa ating lakbayin, matutuhan nawa natin ang manatali at sumunod kay Kristo.

Isang mapagpalang-araw sa iyo!

Address

Ligao
4504

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anchor Youth Ministers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share