08/11/2025
BAGYONG UWAN PAPALAPIT NA SA CATANDUANES; BUONG NUEVA ECIJA, ISINAILALIM NA SA SIGNAL NO. 3
Patuloy na lumalakas ang Bagyong Uwan habang papalapit sa Bicol Region.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 195 km Silangan ng Virac, Catanduanes, taglay ang maximum sustained winds na 175 km/h at pagbugso na umaabot sa 215 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran.
Dahil dito, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang buong Nueva Ecija, kung saan inaasahan ang malalakas na hangin at matinding pag-ulan sa loob ng susunod na 24 oras.
PAALALA SA PUBLIKO:
• Manatili sa loob ng bahay kung hindi kinakailangang lumabas
• I-secure ang bubong, yero, antena, at mga gamit sa labas
• Mag-charge ng cellphone, powerbank, at maghanda ng flashlight
• Mag-ingat sa mga tabing-ilog at mabababang lugar na maaaring bahain
• Ihanda ang GO BAG (gamot, tubig, pagkain, flashlight, ID, whistle)
• I-unplug ang appliances kung magsisimula nang bumaha o mag-brownout
• Ilipat sa mataas na lugar ang alagang hayop, motorsiklo, tricycle, at mahahalagang dokumento
• Iwasan ang pagpunta sa gilid-ilog, sirang tulay, o baha
Patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na abiso ng LGU, MDRRMO, at PAGASA.
SOURCE : DOST PAGASA