Dpvitonhs Barkada Kontra Droga

Dpvitonhs Barkada Kontra Droga Barkada Kontra Droga is a school Youth Organization that encourages the youth, especially Dionisio P.

Vito NHS students to fight against drugs and other substances. Promote safe and healthy living among Dionisians and other youth in the community.

๐Ÿ“šโœจ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐“๐€๐Ž๐, ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€ โœจ๐Ÿ“šSa muling pagbubukas ng panibagong taong panuruan, sabay-sabay nating salubungin ang pan...
10/06/2026

๐Ÿ“šโœจ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐“๐€๐Ž๐, ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€ โœจ๐Ÿ“š

Sa muling pagbubukas ng panibagong taong panuruan, sabay-sabay nating salubungin ang panibagong mga pagkakataon, karanasan, at mga aral na huhubog sa ating kinabukasan. Ang bawat unang araw ng klase ay hindi lamang simula ng pag-aaral, kundi isa ring paalala na mayroon tayong kakayahang mangarap, magsikap, at maging instrumento ng positibong pagbabago sa ating paaralan at komunidad.

Ang BKD (Barkada Kontra Droga) ay nakikiisa sa lahat ng mga mag-aaral, g**o, at mga magulang sa pagdiriwang ng pagbubukas ng klase ngayong taong panuruan. Nawa'y magsilbi itong panibagong kabanata kung saan ang bawat isa ay magiging responsableng mamamayan, mabuting kaibigan, at huwarang kabataan na may matibay na paninindigan laban sa ilegal na droga at iba pang bisyo na maaaring makahadlang sa ating mga pangarap.

Sa taong ito, piliin nating maging inspirasyon sa iba. Maging bahagi tayo ng isang komunidad na nagtataguyod ng kalusugan, disiplina, at pagkakaisa. Sama-sama nating patunayan na ang tunay na lakas ng kabataan ay makikita sa tamang desisyon, mabuting pakikisama, at pagmamahal sa edukasyon.

Maligayang pagbubukas ng klase sa ating lahat! ๐ŸŒŸ

๐“๐š๐ซ๐š, ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง! ๐’๐š๐›๐š๐ฒ-๐ฌ๐š๐›๐š๐ฒ ๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ซ๐š๐ฅ, ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐š๐ซ๐š๐ฉ, ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ก๐ฎ๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง๐  ๐ข๐ง๐๐ข๐›๐ข๐๐ฐ๐š๐ฅ. ๐Ÿ’™






Brigada Eskwela Days 3โ€“5 ๐Ÿ’™๐ŸซSa nakalipas na tatlong araw, patuloy nating ipinakita ang diwa ng bayanihan sa pamamagitan n...
05/06/2026

Brigada Eskwela Days 3โ€“5 ๐Ÿ’™๐Ÿซ

Sa nakalipas na tatlong araw, patuloy nating ipinakita ang diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng pagtutulungan, pakikiisa, at paglilingkod para sa ating paaralan. Sa bawat oras na inilaan at sa bawat gawaing natapos, mas naging handa, malinis, at maayos ang ating paaralan para sa darating na pasukan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at mga boluntaryong nakiisa at nagbigay ng kanilang oras at lakas. Ang inyong suporta at dedikasyon ay malaking ambag sa paglikha ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa pagkatuto.

Sama-sama nating ipinakita na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas marami tayong nagagawang mabuti para sa paaralan at sa kapwa. Maraming salamat sa inyong pakikiisa!





02/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026 | DAY 2 na!!!! ๐Ÿคโœจโ˜บ๏ธ๐Ÿซฐ๐Ÿ’•Hindi man kami mga superhero, pero today feeling bayani ng paaralan ang aming ...
02/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026 | DAY 2 na!!!! ๐Ÿคโœจโ˜บ๏ธ๐Ÿซฐ๐Ÿ’•

Hindi man kami mga superhero, pero today feeling bayani ng paaralan ang aming peg, ๐Ÿค—๐Ÿ’• we saved classrooms from dust, cobwebs, and years of "mamaya na yan." ๐Ÿ˜‚๐Ÿงน

BAYANIHAN IN ACTIONโ€”iba-iba man ang gawain iisa naman ang goal. Para sa mga estudyante. Para sa paaralan. Para sa kinabukasan.๐Ÿ‘

Thank you po sa lahat ng volunteers at lalo't higit sa Barkada namin Kontra Droga today, thank you for proving that service isn't measured by how big the task is, but by the heart behind it. Kayo ang dahilan kung bakit mas gumaganda ang eskwelahan natin DepEd Tayo Dionisio P. Vito NHS- Batangas ๐Ÿ˜˜โ™ฅ๏ธ

Day 2 may be over, pero hindi ang commitment ng bawat opisyales ng Barkada Kontra Droga! Ang aming serbisyo ay magpapatuloy pa rin! So pano? Tara ulit bukas!!! ๐Ÿ’ชโœจ




*BRIGADA ESKWELA 2026: BAYANIHAN, SIMULA NA!* ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจDAY 1Sa bawat walis, buhat, at ayos ng gamit โ€” dito nabubuhay ang diwa ...
01/06/2026

*BRIGADA ESKWELA 2026: BAYANIHAN, SIMULA NA!* ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ
DAY 1

Sa bawat walis, buhat, at ayos ng gamit โ€” dito nabubuhay ang diwa ng bayanihan!
Mula sa paglilinis ng hardin, pagmo-mop ng hallway, hanggang sa pag-oorganisa ng mga libro at gamit sa classroom, ang ating *BARKADA KONTRA DROGA* ay aksyon agad para sa mas malinis, maayos, at ligtas na paaralan ng DepEd Tayo Dionisio P. Vito NHS- Batangas.

Ang paaralan ay pangalawang tahanan. Kaya ano pang hinihintay natin? Tara na! Magkaisa, magtulungan, at gawing mas maganda ang minamahal nating eskwelahan para sa kaayusan at kaalaman! ๐Ÿ’ช๐Ÿ“š

Address

Lemery
4209

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dpvitonhs Barkada Kontra Droga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share