21/03/2026
Mga kapatid sa ating kapatiran,
Sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng ating samahan, mas lalo naming nakita ang tunay na kahulugan ng paninindigan, malasakit, at integridad - at ito ay malinaw naming nakita sa inyo, Kuya NP Badong Ramos.
Kuya, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong mga ibinahagi—hindi lamang mga salita, kundi mga aral na humubog sa amin upang maging mas matatag at mas responsable sa ating kapatiran. Ang inyong pamumuno ay nagsilbing gabay at inspirasyon sa amin sa panahong tila mabigat ang lahat.
Kasabay ng aming paghanga ay ang aming taos-pusong pakikiramay sa Pamilya mo anumang bigat na inyong pinagdaraanan. Nais naming malaman ninyo na hindi kayo nag-iisa - narito kami, mga kapatid na inyong hinubog.
Maraming salamat, Kuya Badong, sa inyong katatagan, malasakit, at tunay na paglilingkod sa ating kapatiran. Ang inyong halimbawa ay mananatiling inspirasyon sa aming lahat. Mabuhay ang Agila!!!