01/08/2025
๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐ป๐ฎ!
Ngayong buwan ng Agosto, kaisa ang BU College Y Club ng pamayanang akademiko sa pagdiriwang ng dalawang mahalagang okasyon: ang Buwan ng Wika na may temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,โ at ang Buwan ng Kasaysayan.
Sa ating modernong lipunan, tila unti-unti nang humihina ang koneksiyon ng mga mamamayan sa ating pambansang wika at nagiging talamak na rin sa lipunan ang pagbaluktot ng kasaysayan; ito'y banta sa mabisang komunikasyon at pagsulong ng kultura, karunungan, at katarungan. Kaya naman, pangunahing lunggati namin sa BU College Y Club ang maibalik ang kahalagahan ng wika at muling maiparating sa madla ang papel na ginagampanan ng kasaysayan tungo sa katarungan, pagkakabuklod-buklod, pagkamulat, at pag-usad ng kaunlaran sa bansa. ๐
Aming hangad na muling linangin at buhayin ang kamalayan ng kabataan sa halaga ng wika at kasaysayan bilang pundasyon ng pagkakakilanlan, pagkakaisa, at pagbabagong panlipunan. Marapat lamang maisip na ang wika ay hindi lamang para sa talastalasan at ang kasaysayan ay hindi lamang tala ng nakaraan. Dala ng mga ito ang diwa ng sambayanan, pawang kabilin para sa kabataan, at tunay na buhay na salamin ng ating pag-iral at pakikibaka. Sabi nga, hindi natin mauunawaan ang kasalukuyan kung hindi natin sisipatin ang kahapon. Upang mapadalisay ang ating mga adbokasiya at paghahangad sa isang mabuting kinabukasan, marapat lamang na tayo'y matuto sa nakaraan at sikaping pangalagaan ang ating natatanging pagkakakilanlan.
Ang kabataang Pilipino, bilang tagapagmana ng diwa ng kasaysayan, ay inaasahang magiging daluyan ng pagbabago at pag-asa. Sa ating mga kamay nakasalalay ang pagpapatuloy ng diwang makabayan, makatao, at makatarungan. Kaming mga kabataan sa BU College Y Club ay naninindigan na ang paglilinang sa wika at pagninilay sa kasaysayan ay hindi lamang selebrasyon 'pagkat ito ay paninindigan para sa bayan, panawagan para sa pagkakaisa, at paghahanda sa isang mas maliwanag na kinabukasan.
Sa diwa nitong pagdiriwang, patuloy nating "Pagtitibayin ang Kabataan at Patatatagin ang mga Pamayanan." (Empowering Youth, Strengthening Communities) ๐ค
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐๐๐๐๐จ๐๐จ๐๐๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก!
Kaugnay ng adbokasiyang ito, sabay-sabay nating isabuhay ang apat na haligi ng YMCA at ang mga layunin para sa Likas-Kayang Pag-unlad (Sustainable Development Goals):
๐ผ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ก ๐๐: ๐พโ๐๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐. ๐ฝ๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ข๐๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐ (๐๐ผ๐), ๐ต๐-๐ถ๐๐ถ
๐ท๐๐๐ขโ๐ ๐๐: ๐ด๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐ต. ๐ด๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐, ๐พ๐๐ก๐ข๐ค๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐ผ๐ด๐ถ), ๐ต๐-๐ถ๐๐ถ