18/08/2023
"Hi! KAMI PO ANG TEAM ENZO!"
"Sopas para sa Lahat"
Noong nakaraang sabado (Agosto 12, 2023) nagpamahagi ng libreng sopas ang pangkat ni Kuya Enzo sa Purok 1 ng Barangay San Fernando (Sorge). Marami ang natuwa at nakiisa sa pagpapamahagi ng libreng sopas. Katuwang ang ilang kabataan na masaya at masiglang tumulong naging matagumpay na makapamahagi ng libreng sopas ang Team Enzo sa purok uno.
Nawa po ay natuwa at nabusog po ang lahat. Asahan n'yo pong mabibigyan din ang ibang Purok sa mga susunod na araw o linggo. Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga tumulong upang matagumpay na maisagawa ang aktibidad na ito.
Espesyal na pagpapasalamat kay "Michael Kien Cariño" at sa mga kaibigan n'yang kabataan" sa pagtulong sa aming aktibidad. Nawa'y tuloy -tuloy ang pagtulong n'yo sa ating mga kabaryo.