19/10/2026
π’ CALLING FOR DONATIONS π’
Kami po ay kumakatok sa inyong mabubuting puso upang humingi ng tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa CATMON NARRA ST. Sama-sama po tayong magbigay ng tulong at pag-asa upang makabangon silang muli.
Anuman ang halaga o dami ng inyong maibibigay, malaki man o maliit, bawat tulong ay mahalaga. Tumatanggap po kami ng kahit anong mga donasyon tulad ng pagkain, tubig, damit, gamit, at iba pang mga pangunahing pangangailangan na makatutulong sa kanila sa araw-araw.
π© Para sa mga nais magbigay ng donasyon o magtanong, maaari po kayong magpadala ng message sa aming page or sa aming adviser na si ate Ma Rielle
Maraming salamat po sa inyong kabutihan at bukas na puso. Nawa'y pagpalain pa po kayo ng Panginoon sa inyong pagtulong sa kapwa! π€