01/09/2026
Big congratulations sa ating mga iSKo! 🎓✨
Sobrang proud kami sa ating mga iSKo mula sa Buklod Kabataan na kinilala rin ngayong Gawad Parangal 2026! Ang inyong tagumpay sa pag-aaral at sa paglilingkod ay tunay na inspirasyon sa buong komunidad.
Maraming-maraming salamat din sa SK Council Almanza Dos sa patuloy na pagsuporta at pagkilala sa pagsisikap ng ating mga kabataan. Ang inyong tulong ay malaking bagay para mas lalo pa silang magsumikap.
Sana mas marami pang kabataan mula sa Rebecca Dulo ang ma-inspire ng ating mga iSKo na mag-aral nang mabuti at makiisa sa ating mga layunin.Patuloy tayong mag-aral, maglingkod, at magtagumpay nang sama-sama.
Congrats muli sa ating mga scholars at mabuhay ang Buklod Kabataan! 💙🎉