06/07/2026
Ayon kay Sison, nasa panig ng prosecution ang responsibilidad na magharap ng sapat at katanggap-tanggap na ebidensya upang patunayan ang mga alegasyon laban sa bise presidente.
Aniya, ang sinumang nag-aakusa ang may pananagutang patunayan ang kanilang mga paratang gamit ang ebidensyang pumapasa sa mga pamantayan ng batas, kabilang ang admissibility, credibility, relevance, materiality, at competence.
Binigyang-diin din ni Sison na hangga't hindi natutupad ng prosecution ang burden of proof, walang obligasyon ang akusado na maglahad ng ebidensya para sa kanyang depensa at maaari itong mapawalang-sala alinsunod sa umiiral na batas.