21/10/2026
Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Talon Kuatro na makiisa sa ating programang “Alagang Kalusugan, Tulong sa Bayan!”
🗓️ October 30, 2026 (Friday)
⏰ 7:00 AM
📍 Hansuyin Covered Court, Brgy. Talon Kuatro
Mayroon po tayong iba't ibang LIBRENG SERBISYO para sa inyo, kabilang ang:
✅ General Check-Up
✅ Vital Signs Monitoring
✅ Libreng Gamot at Vitamins
✅ Health Education
✅ Dental Services
✅ Libreng Salamin sa Mata
✅ Libreng Haircut
🎁 SPECIAL ANNOUNCEMENT! 🎁
Ang FIRST 50 ATTENDEES ay may matatanggap na FREEBIE! Kaya naman, huwag nang magpahuli! Maagang pumunta upang makasama sa unang 50 benepisyaryo.
Ang programang ito ay hatid sa pakikipagtulungan ng Villar Foundation at Las Piñas General Hospital & Satellite Trauma Center.
Tara na, mga ka-barangay! Huwag palampasin ang pagkakataong mapangalagaan ang inyong kalusugan at makatanggap ng libreng serbisyo.
Kalusugan ay alagaan, serbisyo ay samantalahin! 🧡
Pls register here :
https://forms.gle/NbSREUWoGegndThw8