20/09/2026
Las Piñas City Youth Governance Expo 2026.
Ang lahat ng mga youth leaders ay naiimbitahan upang saksihan ang pagdiriwang ng Lingo ng Kabataan. Hatid ito sa atin ng SK Federation of Las Piñas, sa pangunguna ng ating butihing SK Fed President, Coun. Rey Angelo Reyes, Local Youth Development Council, sa paggabay ng ating LYDO Head, Sir Allan Jimenez, kasama ang Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) at PYAP Alumni Federation.
Sinikap na ipadama at ipadanas ang napakasayang youth engagement sa bawat booth ng bawat SK Council mula sa iba't ibang barangay ng Las Piñas. Ang lahat ay nakilahok, nakisaya at nakakuha ng mga rewards.
Kaniya kaniyang pasabog na talaga namang nagpakita ng creativity at nagbigay aral sa mga participants. Tunay nga namang tatatak sa lahat, ang mga nakilahok ay natuto at nakakuha ng pambihirang pagkakataon upang makasalamuha ang mga Youth leaders ng ating bayan.
Congratulations sa lahat ng mga kabataang Las Piñero! Ang Matatag na Kabataan sa pangunguna ni Kuya Seth Pineda ay nakikiisa sa inyo at bumabati!💚💚💚