21/04/2026
Isang matagumpay na pagtatapos ng Young Pinoys Mobile Legend Caravan Tournament 2026 – Open Game Category na ginanap sa Jade St.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng kalahok, organizers, at sumuporta na naging bahagi ng makabuluhang kaganapang ito. Ang bawat laban ay hindi lamang nagpakita ng husay sa laro, kundi pati na rin ng pagkakaisa at sportsmanship sa ating komunidad. Patuloy pa nating palakasin ang mga kabataan sa larangan ng E-sports!
Hangad namin ang inyong suporta sa mga susunod pang aktibidad ng Young Pinoys. Maraming salamat at mabuhay tayong lahat! GGWP!
📷 Jessa Ducalang