11/09/2026
Handa ka na bang maging isang responsableng botante? 🗳️
Sa isang demokratikong bansa, ang pinakamataas na kapangyarihan ay hindi nagmumula sa mga taong nasa puwesto—ito ay nagmumula sa mga mamamayang nagkakaloob sa kanila ng kapangyarihang mamuno. Kaya bilang Pilipino, responsibilidad nating gamitin ang kapangyarihang ito nang may sapat na kaalaman at pananagutan.
Hindi apelyido, kulay, o impluwensiya ang dapat maging pamantayan ng ating pagpili, kundi ang kakayahan ng kandidato na mamuno, makinig, at tumugon sa mga suliranin ng kaniyang nasasakupan.
Maging mulat, matuto, at bumoto nang may prinsipyo! ✊🏻
Samahan kami sa isang makabuluhang talakayan kung saan pag-uusapan natin ang kahalagahan ng ating boto, kung paano susuriin ang mga kandidato, at kung paano makagagawa ng matalino desisyon bilang isang botante.
📅 Ika-20 ng Setyembre, Linggo
🕓 4:00–6:00 PM
📍 San Isidro Labrador Chapel, TS Cruz
Sapagkat ang kapangyarihang magluklok ng lider ay higit pa sa isang karapatan—ito ay pakikilahok sa paghubog ng kinabukasang nais nating makamtan.
Bumoto nang may talino. Bumoto para sa bawat Pilipino.