07/05/2025
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ ๐๐ฏ๐๐ซ๐ฅ๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐
Kami po ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat dahil naging matagumpay at makabuluhan ang mga fiesta activities na inihanda ng aming youth organization. Sa bawat palaro, pakulo, at programang isinagawa, nakapaghatid kami ng tuwa at ngiti lalo na sa mga kabataan ng Everlasting isang bagay na aming buong pusong ipinaglaban at pinagsikapan. Sa bawat palarong pampabata, sa bawat pakulo, at sa bawat simpleng handog ng kasiyahan, aming ipinagpapasalamat ang pagkakataon na maging bahagi ng masayang selebrasyon ng ating pista.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa aming mga gawain. Sa mga kagalang-galang na opisyales ng barangay Hon. Barangay Captain Gerry Sangga, Hon. Kagawad Dideth Cosme, Hon. Kagawad Joey Laxamana, Hon. Kagawad Dick Fajardo, Hon. Kagawad Reydante Parama, Hon. Kagawad Rolly Caong-caong, at Sk Chairperson Mickey Bangcat maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta sa aming mga adhikain.
Hindi rin magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang tulong ng aming mga katuwang at mga kabataang walang pagod na kumilos para sa ikatatagumpay ng lahat ng aming plano. Maraming salamat sa EMHAI, sa lahat ng EYO Members, at higit sa lahat, sa EYO Officers na buong pusong naglaan ng oras at lakas upang maisakatuparan ang lahat ng ito.
Maraming salamat Everlasting!
Pleas like and follow our page๐ซถ๐ป