Zone 7 Homeowners Pilar Village, Las Piñas

Zone 7 Homeowners Pilar Village, Las Piñas Zone 7 Homeowners Bulletin

Reminder!Las Piñas City Ordinance No. 1227-14 (Series of 2014) prohibits the use of excessively loud open pipe mufflers ...
13/05/2026

Reminder!

Las Piñas City Ordinance No. 1227-14 (Series of 2014) prohibits the use of excessively loud open pipe mufflers on motorcycles and vehicles within the city. This ordinance is enforced through "Oplan Sita" operations, where police and traffic personnel apprehend violators, impound vehicles, and issue Violations Reports (OVR).

23/04/2026

✂️ MAHALAGANG ANUNSYO PARA SA MGA MAGULANG AT KABATAAN NG BARANGAY PILAR!

Sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Las Piñas West, Rotary Club of Makati Central, World Surgical Foundation Philippines, at Barangay Pilar, magkakaroon po tayo ng OPLAN: LIBRENG TULI para sa mga batang edad 10 pataas.

📅 Petsa: Abril 25, 2026 (Sabado)
⏰ Oras: 8:00 AM
📍 Lugar: Barangay Pilar Multipurpose Hall, Pilar Village, Las Piñas City

Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga kabataang Pilareños sa pamamagitan ng ligtas at libreng community surgical mission.

📌 Para sa pagpapalista:
FOR BARANGAY PILAR RESIDENTS ONLY
Dalhin ang ID ng magulang, at birth certificate ng batang magpapalista. Magtungo lamang sa Barangay Hall at hanapin sina Rose Napile o Evelyn Umali
🗓️ Lunes hanggang Biyernes
🕗 8:00 AM hanggang 5:00 PM

Hinihikayat po namin ang lahat ng magulang na samantalahin ang pagkakataong ito para sa kalusugan ng inyong mga anak.
!

16/04/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO PARA SA LAHAT NG MGA MIYEMBRO NG PERSONS WITH DISABILITIES NG BRGY. PILAR ♿💙

Magandang araw po!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng miyembro ng Barangay Pilar Persons with Disabilities Association sa ating General Assembly, Profiling, at Medical Mission na gaganapin sa:

📅 Petsa: Abril 21, 2026 (Martes)
⏰ Oras: 9:00 AM hanggang 2:00 PM
📍 Lugar: Zone 3 Covered Court
(Mahogany Rd. corner Molave Rd.)

📝 Mga Dapat Dalhin:
• Persons with Disabilities ID
• PhilHealth ID (kung meron)

💊 Ang mga miyembrong may PhilHealth ay maaaring makapag-avail ng libreng check-up at maintenance medicines mula sa RMA Valderama Medical Clinic katuwang ang PhilHealth YAKAP.

Mahalaga po ang inyong pagdalo upang ma-update ang profiling ng bawat miyembro at upang mas mapalawak pa ang mga serbisyong pangkalusugan para sa ating sektor.

🙏 Maraming salamat po at inaasahan ang inyong buong pakikiisa at pagdalo sa makabuluhang programang ito.



14/12/2025

KAPAG NAABALA KA NA SA INGAY NG KAPITBAHAY, PUWEDENG IREKLAMO⚠️

Halimbawa ng nakakabulabang ingay:

Malakas na karaoke / soundtrip

Sigawan, tawanan, party

Pag-aaway

Malalakas na kwentuhan / chismisan

Tahol ng a*o o hayop

Malakas na tambutso

Construction noise

Ingay mula sa negosyo o pabrika

Ano ang puwede mong gawin?

Suriin ang Local Ordinance
Maraming LGU ang may batas laban sa nuisance noise (lalo na mula 10 PM–6 AM). Maaari kang magreklamo sa barangay o munisipyo.

Civil Case for Nuisance
Kung sobra ang ingay at nakakaapekto sa iyong pamumuhay, puwede kang magsampa ng civil case.

Mediation sa Barangay
Kadalasang dinaan muna sa barangay ang ganitong alitan upang magkaroon ng kasunduan.

Police Assistance
Tumawag ng pulis kung ang ingay ay nagdudulot ng kaguluhan o panganib.

Mag-ipon ng Ebidensya
Kumuha ng video/audio recordings, testimonya ng saksi, at tala ng oras ng ingay.

‼️ Kung hindi na maaayos sa simpleng usapan, may legal na hakbang para maprotektahan ang iyong kapayapaan.

Trick or Treat!Thank you to those who have joined us!
02/11/2025

Trick or Treat!

Thank you to those who have joined us!




27/10/2025

Free checkup Yakap partner RMA clinic dito sa zone 3 court until 4 pm. Bring Philhealth ID.

At Multi-Purpose Basketball Court Zone 3Mahogany cor. Molave Rd.
24/10/2025

At Multi-Purpose Basketball Court Zone 3
Mahogany cor. Molave Rd.


Inviting everyone!
23/10/2025

Inviting everyone!

19/10/2025

[as of 5:00 am, October 19, 2025]

Nananatili sa TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NUMBER 1 ang Las Piñas City dahil sa Bagyong Ramil.

Pinapayuhan ang mga residente na maghanda sa posibleng biglaang malalakas na ulan at pagbugso ng hangin ngayong araw.

Posibleng lumapit ang sentro ng Bagyong Ramil sa Metro Manila mamayang hapon base sa pinakahuling forecast track nito.


FREE RABIES VACCINATION! Read below! 💚
18/10/2025

FREE RABIES VACCINATION!

Read below! 💚





Address

Zone 7, Pilar Village
Las Piñas
1740

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zone 7 Homeowners Pilar Village, Las Piñas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share