10/06/2026
8 Uri ng Relasyon na naaayon sa kalooban ng Diyos.
1. Relasyong May Respeto:
Hindi lang sa salita, kundi pati sa mga desisyon at hangganan ng isa't isa.
2. Relasyong Tapat:
Walang tinatagong sikreto o 'reserba'. Lantad at tapat ang puso.
3. Relasyong Nagpapatawad:
Walang perpektong tao. Marunong magpakumbaba at magpatawad kapag nagkakamali.
4. Relasyong May Proteksyon: Pinoprotektahan niyo ang puso at puri ng bawat isa, hindi pinagsasamantalahan.
5. Relasyong Nagtutulungan:
Magka-partner kayo sa buhay, kaya hinihila niyo ang isa't isa pataas, hindi pababa.
6. Relasyong Mapagtiwala:
May kapayapaan sa puso mo kasi alam mong tapat siya sa’yo kahit hindi kayo magkasama.
7. Relasyong May Disiplina:
Kayang mag-antay sa tamang panahon at kontrolado ang emosyon o tawag ng laman.
8. Relasyong Nagdarasal:
Ito ang pinakamahalaga, sabay kayong lumalapit kay Lord para gabayan ang pagmamahalan niyo.
Tandaan: Ang relasyong galing kay Lord, hindi ka bibigyan ng sakit ng ulo, kundi bibigyan ka ng kapayapaan sa puso.