16/05/2026
📢 PANAWAGAN PARA SA MGA BLOOD DONORS 🩸
Magandang araw po, mga ka-barangay!
Kami po ay taos-pusong kumakatok sa inyong mabubuting puso upang humingi ng tulong at suporta para sa aming nalalapit na Blood Letting Activity na gaganapin ngayong katapusan ng Mayo (tentative: May 25 o 26).
Ang gawaing ito ay inihahanda ng PWD Association ng ating barangay, at bilang inyong Pangulo, ako po ay buong pusong nananawagan sa mga handang mag-donate ng dugo. Ang simpleng pagbibigay ninyo ay maaaring makapagligtas ng buhay.
Sa aking pagbisita sa ilan sa ating mga miyembro, aking nasaksihan ang kanilang kalagayan—lalo na ang ilan na sumasailalim sa dialysis tatlong beses sa isang linggo. Hindi po biro ang kanilang pinagdadaanan, pati na rin ang gastusin sa kanilang gamutan. Dahil dito, nais po naming makapagbigay ng kaunting ginhawa sa pamamagitan ng aktibidad na ito.
Ang programang ito ay hindi lamang para sa ating mga PWD, kundi para sa buong komunidad ng barangay. Sama-sama po tayong magtulungan upang makapagbigay buhay at pag-asa sa ating kapwa.
💉 Maging Bayani—Mag-donate ng Dugo!
Para sa mga nais mag-volunteer, maaari po kayong mag-message o makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang detalye.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at suporta. đź’™