30/11/2023
DepEd IN, binuhay kahalagahan ng pagbabasa
Ni: G. Johnell D. Arzaga
Binigyang-kulay ng Department of Education, Sangay ng Ilocos Norte, sa pamumuno ni Atty. Donato D. Balderas, pansangay na tagapamanihala ang pagpapahalaga sa pagbasa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pampinid na palatuntunan ng Buwan ng Pagbasa na isinagawa sa San Nicolas National High School, Nobyembre 28.
“Ang kahalagahan ng pagbabasa sa mga mag-aaral para marating ang mga lugar na nais, matuklasan ang pinagmulan ng kasaysayan at ang kaakibat na responbilidad hindi lamang ng mga g**o at magulang na paunlarin ang kakayahan ng mga bata sa paglinang ng kakayahan nilang bumasa bagkus ito ay responsibilidad ng lahat tungo sa matatag na bansa”, makabuluhang sabi ni Dr. Joye D. Madalipay, CESO VI, Punong Tagapagsalita at Pangalawang Tagapamanihala ng mga Paaralan ng Sangay ng Ilocos Norte.
Isinabay rin sa nasabing palatuntunan ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng Departamento ng Filipino sa antas elementarya at sekondarya. Pinamunoan ni Gng. Rosario R. Lamug, Retiradong Pansangay na Tagamasid sa Filipino.
Bilang bahagi, isinagawa ang mga sumusunod na patimpalak sa Dugtungang Pagbasa mula sa Baitang 3-6 sa antas elementarya at Madulang Pagbasa mula sa baitang 7-10 sa antas sekondarya.
Namayagpag ang Bacarra National Comprehensive High School, pumangalawa ang Adriano P. Arzadon NHS, pangatlo ang Solsona NHS , pang-apat ang Dingras NHS at panlima ang Pagsanajan NHS at Pinili National School. sa paligsahan ng madulang pagbasa,
Nakamit naman ng San Nicolas Elementary School ang unang gantimpala, Tamdagan Elementary School, ang ikalawang gantimpala, Badoc South Central SPED Center ang ikatlong gantimpala, Evangelista Eelementary School and ikaapat na puwesto at Sarrat Central Elementary School ang ikalimang gantimpala.
Kaugnay sa nasabing proyekto, puspusan ang pagpapalaganap ni Dr. Editha Mabanag, Education Program Supervisor sa Filipino sa Project SAGIP o Sama-samang Ambag, Gawing Isang Palabasa't Manunulat ang Bawat Bata ng Ilocos Norte.
Ang aktibidad na ito ay bilang tugon sa DepEd Memorandum 173 s. 2019 na Bawat Bata Bumabasa at sa MATATAG na Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon at 7 Key Initiatives ng dibisyon ng Sangay ng Ilocos Norte.
Layunin ng programa na itatampok ang kahusayan at kahalagahan ng pagbasa at malinang at mapaunlad din ang kakayahan at pagmamahal ng bawat mag-aaral sa pagbasa.