Ifugao United Action Force

Ifugao United Action Force Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ifugao United Action Force, Nonprofit Organization, Lamut.

28/04/2026
14/04/2026

PULIS BAGUIO, MABILIS NA RUMESPONDE SA EMERGENCY NG ISANG RESIDENTE

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO) Police Station 9 upang tulungan ang isang babaeng nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan sa Muslim Village, Crystal Cave, Baguio City bandang 6:30 ng umaga noong Abril 11, 2026.

Ayon sa ulat, agad na tumugon ang mga pulis sakay ng kanilang mobile patrol matapos makatanggap ng tawag hinggil sa sitwasyon. Pagdating sa lugar, maingat nilang inasikaso ang pasyente at agad itong dinala sa pagamutan upang mabigyan ng karampatang lunas.

Kinilala ang mga rumespondeng pulis na sina PCpl Brelon Catores Lamsis at Pat Fredie Mariano Marekchan, na nagpakita ng malasakit at kahandaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Pinuri naman ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang agarang aksyon ng mga tauhan. “Ang ganitong mga gawain ang tunay na sumasalamin sa malasakit ng kapulisan. Hindi lamang sa pagpapatupad ng batas nasusukat ang aming tungkulin, kundi pati sa pagtugon sa pangangailangan ng bawat mamamayan,” aniya.

Patuloy na pinaalalahanan ni PGEN Nartatez ang lahat ng kapulisan na panatilihin ang pagiging handa at makatao sa kanilang tungkulin, sapagkat ang simpleng pagtulong ay may malaking epekto sa buhay ng mamamayan.

Ang insidenteng ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng PNP na maging mas malapit at mapagkalinga sa komunidad, sa diwa ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

14/04/2026

PNP UPHOLDS INTERNAL CLEANSING WITH DRUG-FREE PERSONNEL

The Philippine National Police (PNP) announced that all personnel who underwent a random drug test on March 16, 2026 tested negative for illegal drug use, affirming the organization’s continued commitment to integrity and professionalism as part of its intensified internal cleansing efforts within the ranks.

The unannounced testing covered 45 members of the PNP Public Information Office (PIO), including uniformed, non-uniformed personnel, and civilian employees. Based on the laboratory report from the PNP Forensic Group, all specimens yielded negative results for methamphetamine and THC-metabolites, both classified as dangerous drugs.

PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., welcomed the results, noting that they reflect the discipline and sense of responsibility among personnel.

“Ito ay patunay na ginagawa ng ating mga kapulisan ang kanilang bahagi sa pagpapanatili ng malinis at maayos na organisasyon. Ipinapakita nito na nauunawaan ng ating mga tauhan ang kahalagahan ng pagiging mabuting halimbawa,” PGEN Nartatez said.

He added that the activity forms part of the PNP’s ongoing internal cleansing efforts under its integrity monitoring program, a key priority of the PNP Focused Agenda.

“This is something we will continue regularly. Hindi lang ito compliance—this is about sustaining trust and making sure our personnel are always ready to serve the public the right way,” he said.

The PNP emphasized that maintaining a drug-free organization is essential in delivering effective and credible police service, assuring the public that similar efforts will be sustained nationwide in support of a Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

25/03/2026
25/03/2026

March 25, 2026
Gospel: Luke 1:26-38
Reflection: "The Fiat of Mary"

25/03/2026

“BUHAY AY ILIGTAS, SA DROGA AY UMIWAS, PNP DEG
AY KAAGAPAY TUNGO SA BAGONG PILIPINAS”

💪🇵🇭
👮🏼‍♂️👮🏼
🚨 🚔

25/03/2026

BABAENG NAGTANGKANG TUMALON SA FLYOVER, AGAD NASAGIP NG PULIS

Isang buhay ang nasagip ng mga tauhan ng Eastwood Police Station 12 matapos makatanggap ng ulat mula sa mga concerned riders tungkol sa isang babae na nagtangkang tumalon sa Ortigas Flyover umaga ng Marso 23, 2026, sa Brgy. Ugong Norte, Quezon City.

Dahil sa agarang pagkilos ng mga pulis, ligtas na nasagip ang babae bago pa man mangyari ang inaasahang panganib. Agad rin itong naipaalam sa QC Helpline 122, na nagdulot ng mabilis na tugon mula sa QCDRRMO at MMDA Rescue Team, handang magbigay ng karagdagang tulong at dalhin ang biktima sa isang ligtas na lugar.

“Ang agarang aksyon at maingat na pagresponde ng ating mga tauhan ay malinaw na patunay ng kanilang dedikasyon. Higit sa lahat, ipinapakita nito na ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan ang laging prayoridad,” ani Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Ang insidenteng ito ay malinaw na halimbawa ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman, kung saan ang bawat pulis ay laging handang rumesponde, protektahan ang komunidad, at ipakita ang malasakit sa bawat mamamayan.

(PNP-PIO)

Address

Lamut
3605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ifugao United Action Force posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Ifugao United Action Force:

Shortcuts

Share