23/12/2025
Tilapia Hotdog ๐ญ ๐ค
: ๐๐ข๐ค๐ฆ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ ๐๐จ๐ญ๐๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐
๐ข๐ฌ๐ก๐๐ซ๐๐จ๐ฅ๐ค ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง!
Mas pinalawak pa ng Nagtipulan Fisherfolk Organization (NFO) mula Lagangilang, Abra ang kanilang hanay ng mga produktong pangisdaan sa paglulunsad ng kanilang bagong Tilapia Hotdog na gawa mula sa sariwang tilapia na inani ng mismong mga kasapi ng samahan.
Bilang benepisyaryo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources โ Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program Phase 2, patuloy na pinapalakas ng NFO ang kanilang community-based enterprise (CBE) sa pamamagitan ng value-adding at food processing.
Kasunod ng tagumpay ng kanilang signature Tilapia Marinado, ang Tilapia Hotdog ay inilunsad upang magbigay ng mas maraming pagpipilian sa merkado at mas mapalawak ang kita ng samahan.
Ang bagong produktong ito ay resulta ng mga pagsasanay, teknikal na gabay, at suporta ng BFAR-SAAD sa post-harvest processing at product development. Bukod sa masarap at madaling ihanda, ang Tilapia Hotdog ay patunay ng kakayahan ng mga lokal na mangingisda na lumikha ng market-ready products mula sa sariling ani.
Subukan ang Tilapia Hotdog ng Nagtipulan Fisherfolk Organizationโisang produktong hindi lamang nagbibigay-sarap sa hapag, kundi nagbubukas din ng mas matibay na kabuhayan para sa mga mangingisda ng Lagangilang, Abra.