18/12/2023
https://www.facebook.com/100083389748584/posts/359693743486948/?mibextid=Nif5oz
GOVERNOR D**G PADILLA GINAWARAN NG PRESTIHIYOSONG PARANGAL AT 4 NA MILYONG PISONG INSENTIBO NI DILG SECRETARY BENJAMIN ABALOS JR, SA GINANAP NA SGLG NATIONAL AWARDING CEREMONY SA MANILA HOTEL KAHAPON
DWCN-FM, Radyo Pilipinas, Camarines Norte (December 14, 2023) | Pormal ng ginawaran kahapon sa ginanap na SGLG national awarding ceremony sa Manila Hotel si Camarines Norte Governor Ricarte "D**g" Padilla at ang Provincial Government ng Camarines Norte ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Award, mula mismo kay DILG Secretary Atty. Benjamin "Benhur" C. Abalos, Jr kasunod ang pagbibigay sa Gobernador ng pondong nagkakahalagang P4 million pesos bilang insentibo sa tinanggap nitong parangal.
Bukod dito, ginawaran din ng kahalintulad na parangal sa nasabing okasyon ang LGU Basud na pinamumunuan ni Mayor Adrian Davoco at LGU Paracale na pinamumunuan naman ni Mayor Romeo Moreno.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno nina Governor D**g Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia ay tumanggap ng prestihiyosong parangal na Seal of Good Local Governance Award dahil pumasa ito sa mga assessment criteria sa iba't ibang aspeto ng pamamahala.
Kabilang sa napagtagumpayan ng Padilla-Ascutia administration na assessment upang masungkit ang nasabing parangal ay ang pagpapakita nito ng efficiency, accountability at transparency sa mga sumusunod na aspeto ng pamamahala, tulad ng pangangasiwa sa pananalapi; paghahanda sa sakuna; panlipunang proteksyon at pagiging sensitibo; pagsunod at pagtugon sa kalusugan; sustenableng edukasyon; business-friendliness at competitiveness; kaligtasan, kapayapaan, kaayusan; pamamahala sa kapaligiran; turismo, heritage development, kultura, sining; at pagpapa-unlad ng kabataan.
Ayon kay Governor D**g Padilla ang tinanggap na parangal ng Camarines Norte ay para ito sa bawat isang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan lalo't higit sa magagaling na HEAD OF OFFICE na buong pusong nagsikap upang maihatid ang maayos na serbisyo sa lalawigan.
Kasunod nito ang taus-pusong pasasalamat ng Gobernador sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan na naging katuwang sa pagsasakatuparan ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan, higit sa lahat ay pinasalamatan ng Gobernador ang DILG Camarines Norte sa pamumuno ni Provincial Director Melody Relucio, CESO V sa walang-sawa aniyang paggabay nito sa provincial government ng Camarines Norte.
Sa huli, inihayag ni Governor Padilla na ang nasabing parangal ay tunay na napakagandang regalo para sa lalawigan ng Camarines Norte at ang parangal na ito ay Alay sa Diyos at Alay sa Bayan. # # #