02/03/2026
HASBUNALLAHO WANIMAL WAKEEL. ☝️🤲🤲
Matapos na magpaulan ng missile ang Israel at Amerika sa Iran, isang oras lamang ang lumipas, tila gumanti ang Iran at pinuntirya ang Israel, Bahrain, UAE, Qatar, Kuwait, pantalan malapit sa Oman at nahulugan naman ng kung ano sa Jordan. Tanging ang Saudi ang walang naiulat na pagsabog habang sinusulat ang balitang ito.
Nag-ugat ang lahat sa Isyu sa Nuclear Weapons, nangangamba ang Amerika at Israel sa patuloy na paggawa ng nuclear weapon ng Iran, itinuturing itong malaking banta sa sangkatauhan. Bukod pa ang pagsuporta umano ng Iran sa ilang grupong kalaban ng Israel.
Pinaulanan ng missile at drone ng Iran ang mga lugar na kinalalagyan ng mga base-militar ng Amerika sa rehiyon. Tayo po'y magdasal para sa kaligtasan ng mga sibilyan, kabilang ang higit 2 milyong Pilipino sa buong rehiyon.
Posted: Admin 2