03/03/2026
Ang official break time po namin ay 10:00–10:30 AM, at 10:30 AM ang start ng Divine Service. Ibig sabihin, dapat sakto lang na matapos ang break bago magsimula ang service.
Pero bakit po 10:15 pa lang pinapaalis na agad kami ng mga marshal kahit kumakain pa kami? Alam naman pong may oras pa at hindi pa nagsisimula ang Divine Service.
Kung hanggang 10:30 ang break, dapat hanggang 10:30 din ang paggamit nito. Hindi po ito tambay time, oras po ito para kumain at makabawi ng lakas bago ang susunod na gawain.
Parang hindi naman po tama na minamadali ang mga estudyante kahit sumusunod naman kami sa schedule na ibinigay ng school. Respeto naman po sa oras ng break at sa mga estudyante.
Hindi rin po biro ang magmadaling kumain tapos diretso agad. Estudyante rin po kami, nagugutom at napapagod. Konting konsiderasyon naman sana.