21/08/2023
Hello ka-Chuchungan! Ilang taon tayong hindi nagkita kita dahil sa pandemya. Ganoon pa man, tuloy tuloy ang pagbabayanihan at pagtulong sa mga kapwa nating nangangailangan. Sa loob ng halos tatlong taon, nakapag abot tayo ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo katulad na lang ng Bagyong Maring noong 2021. Natulungan natin ang mga barangay sa Luna at Bangar sa La Union dahil sa inyong mga donasyon. Noong nakaraang taon, napuntahan nqtin ang Almeida Elementary School sa Balaoan at nakipagsaya sa mga mag-aaral doon sa tulong narin ng Layag Film Club at ng Languages Department ng Saint Louis College ng City of San Fernando, La Union. Katuwang natin dyan ang mga student at mga instructor ng SLC. Noong 2021, natulungan din natin ang batang si Ashley para maipagamot gamit ang mga donasyon sa mga private individuals at companies/groups.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO. Magkitakita po tayong muli sa susunod na outreach activities ng CVI sa mga susunod na buwan.
GOD BLESS US ALL!