18/05/2026
โจ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ โจ
Ang bawat boto ay mahalaga, at ang bawat rehistradong mamamayan ay may kakayahang maging bahagi ng pagbabago. Sa simpleng paglalaan ng oras para magparehistro, ipinapakita natin ang ating malasakit, pakikilahok, at pagmamahal sa ating bayan.
Huwag nating hayaang masayang ang pagkakataong marinig ang ating boses sa mga usaping makaaapekto sa kinabukasan ng ating komunidad at ng buong bansa. Ang pagboto ay hindi lamang karapatanโito rin ay responsibilidad bilang mamamayang Pilipino.
Habang papalapit ang BSKE sa November 2, 2026 at lalo na ang National and Local Elections sa May 8, 2028, lagi nating tandaan:
Pumili ng mga lider na may mataas na antas ng kakayahan, katapatan, pananagutan, at makapagbigay ng tunay na serbisyo publiko.
๐ Voter Registration is open until ๐ง๐ข๐๐๐ฌ โ ๐ ๐๐ฌ ๐ญ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ.
Maaaring magtungo sa pinakamalapit na Office of the Election Officer o sa mga satellite registration sites sa inyong lugar. Magdala ng anumang ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ o ๐๐๐ฅ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐๐๐ง๐.
Magparehistro.
Maging mapanuri.
Pumili nang tama.
Hikayatin din ang inyong mga kaibigan, kapamilya, at kakilala na magparehistro habang may oras pa. Sama-sama nating ipakita na ang kabataang Pilipino at bawat mamamayan ay handang makiisa para sa mas maayos at mas maunlad na kinabukasan.
Para sa bayan. Para sa kinabukasan. Para sa bawat Pilipino. ๐ต๐ญ