18/03/2026
๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ซ๐ฒ๐จ, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ - ๐๐๐๐๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ญ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐๐๐ญ ๐๐ข๐ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐
๐
Isinagawa ng SOCOTECO 1 Foundation Inc. (S1FI) ang DOLE - TUPAD Orientation at Contract Signing para sa kabuuang 920 benepisyaryo noong Marso 13, 2026 sa KCC Mall of Marbel, City of Koronadal.
Pinangunahan ang aktibidad nina Engr. Andrade F. Lagos, BOT Chairman; Dir. Osiel Alexis P. Par, Board President ng SOCOTECO I; Ms. Jenellyn Joy D. Depaloma, Executive Director ng S1FI at Engr. Romerico P. Carraso, DOLE Supervising LEO/OIC-SCFO Head.
Layunin ng programa na mabigyan ng pansamantalang trabaho at tulong pinansyal ang mga disadvantaged workers sa lalawigan, lalo na ang mga naapektuhan ng mga hamong pang-ekonomiya. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng S1FI bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa kabuhayan ng mga mamamayan.
Sa isinagawang orientation, ipinaliwanag sa mga benepisyaryo ang mga alituntunin ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program, kabilang ang kanilang mga tungkulin, benepisyo, at mga inaasahang gawain sa ilalim ng programa. Sinundan ito ng contract signing bilang pormal na pagsisimula ng kanilang partisipasyon.
Binigyang-diin sa aktibidad ang matibay na ugnayan ng pambansa at lokal na pamahalaan kasama ang S1FI sa paghahatid ng mga serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Ipinakita rin nito ang kanilang sama-samang adhikain na isulong ang inklusibong pag-unlad at patuloy na pag-alalay sa komunidad.
Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang makatutulong ang S1FI at DOLE sa pag-angat ng kabuhayan ng mga benepisyaryo at sa pagpapalakas ng katatagan ng mga komunidad sa lalawigan.