16/09/2026
๐๐๐ข๐๐๐ฆ๐ ๐ข๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ ๐ซ๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐ง-๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐ก๐ฉ๐๐ฆ๐ง๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐จ๐ ๐๐ก๐ข'๐ฌ ๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐จ๐๐๐ง๐๐๐ ๐๐ง ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ข๐๐ข๐ง๐๐๐ข ๐๐ - ๐๐๐ก๐๐ง๐ ๐ฃ๐ข๐ช๐๐ฅ ๐๐ฉ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐
Koronadal City, South Cotabato โ Pormal na hiniling ng Coalition of Priests, Laity and Sectoral Representatives ng Diocese of Marbel, na binubuo ng Social Action Centers ng Diyosesis, sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Regional Office XII ang pagsasagawa ng isang malalimang fact-finding investigation kaugnay sa umano'y partisan at iligal na aktibidad ng ilang halal na opisyal ng lungsod, munisipyo, barangay at kanilang mga itinalagang empleyado sa isinasagawang plebisito ng South Cotabato II Electric Cooperative, Inc. (SOCOTECO II).
Sa pormal na liham na may petsang Setyembre 7, 2026 na ipinadala kay Atty. Rochelle D. Mahinay, Regional Director ng DILG XII, at opisyal na tinanggap ng tanggapan noong Setyembre 9, 2026, inihayag ng Coalition na kumikilos sila sa ngalan ng mga Member-Consumer-Owners (MCOs) ng SOCOTECO II na siyang tunay at legal na may-ari ng kooperatiba mula pa noong 1979.
Ayon sa Coalition, ang kanilang pagkabahala ay nag-ugat sa Joint Venture Agreement (JVA) na pinasok ng Board of Directors ng SOCOTECO II para sa praktikal na pagbebenta ng lahat ng assets nito sa pribadong korporasyon na IGNITE Power, na iniulat na consortium nina dating Senador Emmanuel D. Pacquiao at Mr. Enrique Razon. Anila, ang JVA ay labis na dehado at nakakasira sa kapakanan ng mga MCOs na bumuo sa SOCOTECO II.
Ibinahagi ng Coalition ang mga umano'y natuklasan sa kanilang field investigation na may kalakip na mga litrato at sinumpaang salaysay ng mga apektadong MCOs:
1. Pamamahagi ng bigas kapalit ng boto. Ayon sa ulat, ilang opisyal at empleyado ng barangay ang namamahagi ng sako-sakong bigas kapalit ng electric bills at boto pabor sa JVA.
2. Proxy Vote Harvesting. Umano'y sapilitang pangongolekta ng proxy votes kung saan ang mga opisyal mismo ang tumatayong kinatawan ng mga MCOs nang walang malayang pahintulot.
3. Paggamit ng Pampublikong Opisina at Recursos. Paggamit ng pampublikong opisina, tauhan, at pondo upang mangampanya, mag-alok ng trabaho, at impluwensyahan ang resulta ng plebisito.
Binigyang-diin ng Coalition na ang mga nasabing kilos, kung mapatutunayan, ay tahasang paglabag sa Konstitusyon na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno sa partisan political activity, gayundin sa Local Government Code at sa mga panuntunan ng COMELEC.
Bilang tugon, pormal na hiniling ng Coalition sa DILG XII na:
a) Maglabas ng paalala sa lahat ng opisyal hinggil sa kanilang tungkulin na manatiling politically neutral;
b) Mag-isyu ng angkop na direktiba na nagbabawal sa partisan activities kaugnay ng plebisito; at
c) Magsampa ng kaukulang kasong administratibo laban sa mga mapatutunayang lumabag.
"We trust in your steadfast commitment to uphold political neutrality, good governance, and the welfare of the people. We hope that through your intervention, these illegal acts will be stopped and our public officials will instead protect the interest of the poor who depend on affordable power," ayon sa bahagi ng liham.
Ang liham ay nilagdaan nina Br. Manuel De leon, Fr. Jerome Millan, at Fr. Angel R. Buenavides, bilang Co-Convenors ng Protect SOCOTECO II Coalition.