25/02/2026
๐๐๐๐: ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐, ๐๐ฎ๐ง๐๐ข ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ ๐ฎ๐ญ๐๐ง
โEDSA did not only overthrow a dictator, it ended oppression.โ Noong Pebrero 1986, nagtipon ang libo-libong Pilipino sa Epifanio de los Santos Avenue hindi upang lumaban gamit ang armas, kundi pagkakaisa. Ipaglaban nila ang katotohanan at Kalayaan ng mga pilipinong nagdusa at nagdudurusa pa dahil sa Martial Law. โThe EDSA People Power Revolution highlighted the capability of humankind to come together and stand up for a common goal,โ isang patunay na kapag ang bayan ay tumindig bilang isa, walang kapangyarihang makakatalo sa tapang ng sambayanan.
Ang EDSA ay hindi lamang isang pahina sa ating aklat ng kasaysayan, ito ay paalala na ang kalayaan ay hindi basta ibinibigay; ito ay ipinaglalaban. Sa makabago at masalimuot na panahon, hindi na baril at tangke ang humahamon sa ating kalayaan, kundi ang kawalang-pakialam, kahirapan, at kawalan ng malasakit sa kapwa.
Dito pumapasok ang diwa ng bolunterismo, ang makabagong anyo ng People Power. Sa bawat batang tinuturuan, sa bawat komunidad na nililinis, at sa bawat pamilyang tinutulungan, muling nabubuhay ang diwa ng EDSA. Ang bayanihan ay nagiging sandata at ang serbisyo ay nagiging rebolusyon. Sapagkat ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ang pagbagsak ng diktadura, kundi ang patuloy na pagtindig para sa kapakanan ng kapwa Pilipino.
Sa mga kabataang Pilipino ngayon, tayo ang tagapagmana ng EDSA. Ngunit higit pa roon, tayo ang tagapagpatuloy nito. Hindi sapat na alalahanin ang People Power; kailangan natin itong isabuhay. Sa simpleng pagtulong, paglilingkod, at sa paninindigan para sa tama, pinatutunayan nating buhay pa ang apoy ng 1986.
Hindi natapos sa EDSA ang laban para sa Kalayaan, ito ay nagpapatuloy sa bawat kilos ng malasakit, sa bawat hakbang ng serbisyo, at sa bawat pusong handang ialay ang sarili para sa bayan.
Kung ang EDSA ay naipaglaban sa pamamagitan ng pagkakaisa, paano mo ipaglalaban ang bayan sa iyong sariling paraan? Hindi mo kailangang tumayo sa kalsada upang maging bahagi ng People Power, kailangan mo lamang tumindig para sa kapwa. Maging boluntaryo, makiisa, at kumilos.
Sapagkat ang tunay na diwa ng EDSA ay hindi lamang ginugunita, ito ay isinasabuhay.