23/06/2026
WE ARE STRONGLY PROPOSING TO ILLEGALIZE PET SURRENDER TO POUNDS.
Alam natin lahat na kapag ang mga hayop ay umaabot sa dog pound, malaki ang purohan na sila ay mapatay o maeuthanize o mamatay sa sakit kesa sa maadopt. Sa Davao City alone, marami ang cases ng pagsusurrender ng mga hayop. Mismo ang Bantay Hayop Davao ay nakamonitor na sa mga cases noon pa.
Sabihin man natin na may ordinance tayo na tinatawag na DAVAO ADOPT A DOG AND CAT ORDINANCE, halos walang nag-aadopt. Kung meron man, napakakonti kumpara sa malbilis na pagdami ng mga pusa at a*o kaya ang karamihan ay tinatapon, pinapalayas. pinapaanimal pound o dumadami sa loob ng mga bahay.
Mas may mga dumadayo pa sa dog pound para maghatid ng mga unwanted pets para magsurrender kumpara sa gustong mag-adopt.
Why do we want to illegalize the SURRENDER OF PETS TO THE POUND. On the basis of RA 10631 ABANDONMENT IS A CRIME. Para sa Bantay Hayop Davao, ang pagsurrender intentionally ng mga alaga sa dog pound o sa mga shelters (dahil sa mga kadahilanang busy na, masyado ng dumadami, wala ng oras mag-alaga, napabayaan) ay intention na na abandonahin ang responsibilidad nila.
Naiintindihan din na dahil sa kakulangan sa serbisyo ng libreng kapon at ligate (Depopulation Program) at mahal din sa pribadong mga veteribarian clinic at walang implementation sa Pet-Owner Registration mas lalong tumataas ang cases ng unwanted pregnancies ng mga companion animals o ng mga a*o at pusa.
Hindi din sang-ayon ang Bantay Hayop Davao na magbayad ang mga owners ng surrender fee dahil maaring gamitin itong isang legal na paraan para magsurrender ng mga alaga nila. Dadami pa din ang mga hayop na dadalhin sa pound para isurrender at mapapatay.
Kung hindi gawing illegal ang pagsurrender ng mga alaga sa dog pound, ano pa ang magiging silbi ng mga policies sa animal welfare at pagdisiplina ng mga pet owners para ikapon, iligate at alagaan ng tama ang kanilang mga a*o at pusa.
Sa simpleng salita, “Hindi nga naman siya inabandona, pero pinadogpound mo siya. Kung saan doon siya papatayin ng walang kalaban-laban.”
Matagal na ding naraise ng Bantay Hayop Davao ang concern na ang dog pound ay ginagamit o ineexploit ng mga irresponsible pet owners at naging tool for abandonment and animal cruelty.
The policies that we must create are policies to lessen abandonment, animal cruelty, promote and strengthen responsible pet ownership, lessen stray production and lessen the number of impounding and euthanasia. In 2025, about 6000 cats and dogs were impounded by Davao City Dog Pound. The number of euthanized animals reached about 4,500.
What are your thoughts about this?