Poblacion Kalibo Youth Club

Poblacion Kalibo Youth Club Give Love and Spread Love 'Kabataan Susi sa Kinabukasan'

06/08/2026
29/07/2026

KAHALAGAHAN NG TRAINED NA FORCE MULTIPLIERS SA MGA BARANGAY IPINUNTO NI POBLACION PUNONG BRGY CANDELARIO MATAPOS ANG ISINAGAWA NA RESCUELYMPICS

Ikinatuwa ni Poblacion, Kalibo Punong Barangay Niel Candelario ang naging resulta ng ikatlong Rescuelympics, na layuning sanayin at maorganisa ang mga rescue team ng bawat barangay upang maging mas handa sa pagtugon sa mga sakuna at iba pang emerhensiya.

Sa panayam kay Candelario, malaking hakbang ang taunang kompetisyon upang mahikayat ang mga barangay na bumuo ng sariling rescue unit, lalo na't may mga komunidad na wala pa nito.

Ipinunto nito ang kahalagahan ng sapat na kaalaman sa bawat Barangay pagdating sa pagbibigay ng agarang serbisyo sa oras ng pangangailangan nang hindi na maghihintay sa MDRRMO o PDRRMO.

Kabilang sa mga isinagawang kompetisyon ang water search and rescue (WASAR), pagresponde sa mga aksidente, at pagtugon sa mga insidente ng sunog.

Bagama't may ilang barangay na hindi nakalahok ngayong taon, inaasahan naman aniya na makikibahagi na ang lahat sa susunod na Rescuelympics.

Binigyang-diin ni Candelario na mahalaga ang pagkakaroon ng mga trained na force multipliers upang mapalakas ang kakayahan ng bawat barangay sa mabilis at epektibong pagresponde sa oras ng kalamidad.

VIA| ROMY CAHILIG
✍TERESA IGUID

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
D3BIO, DTX500, MIGHTY CEE, DTX COFFEE MIX

👉Mabibili sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmeña Ave., Kalibo, Aklan.

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208

MAKINIG SA KAMPEON NA ISTASYON SA KALIBO, ANG K5 NEWS FM 94.5
BANDERA NOON, K5 NEWS FM NA NGAYON!

28/07/2026

ANNOUNCEMENT: 📢📢📢

Our Schedule for the FREE THEORETICAL DRIVING COURSE will be on AUGUST 4,2026 Martes nga adlaw. Ma start imaw it Alas 8 it Agahon .

Venue: Bliss Poblacion Covered Court.

Please read do post below for other instructions.


21/07/2026

DSWD Chief: Hindi Galing sa DSWD ang Listahan ng UPLIFT Beneficiaries

Nilinaw ni DSWD Secretary REX Gatchalian na ang listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Assistance para sa Group 2 at 3 ay hindi galing sa DSWD. Ang listahan ay nagmula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at nakabatay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS), kung saan isinagawa ang pagtukoy sa mga kabahayan at kung sino ang kabilang sa mga "poor" at "not poor" households.

Ayon sa Kalihim, ang tungkulin ng DSWD ay ang cross-matching ng listahang ibinigay ng PSA para matiyak ang tamang implementasyon ng tulong-pinansyal. Binigyang-diin din niya na walang kapangyarihan ang Kagawaran na magdagdag o mag-alis ng mga pangalan sa listahan.

Dagdag pa ni Secretary Gatchalian, walang naging pakikialam ang sinumang politiko, opisyal o local government unit (LGU) sa pagpili ng mga benepisyaryo para matiyak na ang proseso ay nananatiling patas at nakabatay sa opisyal na datos.

❤️

21/07/2026
👊
19/07/2026

👊

Address

Kalibo
5600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Poblacion Kalibo Youth Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share