26/05/2026
IN PHOTOS|| MAY 26, 2O26. ISANG PAGPUPUGAY SA TAGUMPAY AT PANIBAGONG SIMULA ✨
Matagumpay na naisagawa ang “Pugay Tagumpay” Family Development Session para sa mga exiting beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Libungan Northern kabuntalan,
Ang aktibidad na ito ay hindi lamang pagdiriwang ng pagtatapos bilang benepisyaryo ng programa, kundi isang pagkilala sa sipag, tiyaga, at tagumpay ng bawat pamilyang naging bahagi ng 4Ps. Sa pamamagitan ng programa, nabigyan ng pagkakataon ang maraming pamilya na mapaunlad ang kanilang kabuhayan at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.
Kasabay ng kanilang pagtatapos ay ang panibagong yugto ng buhay dala ang mga natutunan, karanasan, at inspirasyon upang higit pang maging matatag, responsable, at handa sa mga hamon ng buhay.
Taos-pusong pagbati sa lahat ng exiting beneficiaries! Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa inyong komunidad at patuloy na magsikap tungo sa mas maunlad at mas maliwanag na kinabukasan. 💙✨
Northern kabuntalan MaguindanaoDelNorte