30/05/2026
COTABATO EMPIRE PROVINCE 💥
ay naitatag noong September 1, 1914 at sumapit ang November 22, 1973 ay naging Cotabato Province na nahati sa mga Lalawigan ng North Cotabato (Kidapawan City), South Cotabato (General Santos City at Koronadal City), Maguindanao (Cotabato City), Sultan Kudarat (Tacurong City) at Sarangani at ito ang nasasakupan ng Central Mindanao. Di nagtagal ay natanggal ang salitang North Cotabato at bumalik sa dating pangalan na Cotabato Province.
Noong 2022 Plebscite ay nahati naman ang Maguindanao Province sa Maguindanao del Norte at del Sur sa bisa ng batas na Republic Act No. 11550 (May 27, 2021).
Noong 2024 Plebscite ay nahati naman ang Cotabato Province para bigyang daan ang 63 Barangays na binubuo ng 8 Municipalities tulad ng Pahamuddin, Kadayangan, qNabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan at Ligawasan na nakapasok sa Special Geographical Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (SGA-BARMM).
Abala ngayon ang Special Geographical Area Development Authority (SGADA) para Bangsamoro Planning and Development Authority.
Hatid sa inyo ng JOVEBONG FILMS 📽️ ng Jovebong Artists Agency, Inc. bilang member ng Tri-People Group of Companies, Central Mindanao Area Chapter.