17/08/2026
Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon
Aktibong nakilahok ang Peer Support Organization (PSO) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong araw, Agusto 17, 2026, na may temang βWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.β
Sa patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya, ipinapaalala sa atin na ang Wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) ay maaaring maging makapangyarihang kasangkapan sa pagkatuto, pananaliksik, at malayang pagpapalitan ng kaalaman.
Bilang isang organisasyong nagtataguyod ng suporta, pakikipagkapwa, at pag-unlad ng mga mag-aaral, kaisa ang PSO sa pagsusulong ng responsable, mapanuri, at makabuluhang paggamit ng teknolohiyaβhabang patuloy na pinahahalagahan ang ating sariling wika at kultura.
Sa bawat tanong na sinasaliksik, impormasyong natutuklasan, at kaalamang ibinabahagi, gawin nating tulay ang Filipino tungo sa mas malawak na mundo ng impormasyon at oportunidad.