15/08/2026
Pasasalamat sa Tagumpay ng GBMHS Titans ๐๐
Maraming, maraming salamat! โค๏ธ
Ang pagkapanalo ng GBMHS TITANS Boys Volleyball sa Kabacan North District Meet 2026 ay hindi lamang tagumpay ng mga manlalaro. Ito ay tagumpay ng isang buong komunidad na sama-samang naniwala, sumuporta, at tumulong hanggang sa huli.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng supporters, teachers, at buong GBMHS family na walang sawang nagbigay ng suporta sa aming mga Titans.
Isang espesyal na pasasalamat sa ating mga Senior Titans, lalo na kina SK Chairman JL Ledesma, Jim Bryan, TJ Librando, Rey John Evangelista, at Jerald Manuel. Salamat sa oras, effort, encouragement, at sa pagiging sandalan ng ating mga manlalaro. Hindi matatawaran ang inyong suporta.
Sa aming mga magulang na walang sayang nag bibigay suporta, maraming salamat sa inyong tiwala at sakripisyo. At isang espesyal na pasasalamat kay Sir Larry sa napakalaking tulong at sa cash support para sa ating mga atleta. Malaking bagay po ito para sa mga bata.
Sa Barangay Dagupan lalong higit sa Punong Barangay na si Warlito Villanueva na nag laan ng oras upang mapagamit ang kanilang Emergency Vehicle.
Maraming salamat din sa ating School Principal, Maโam Hiyasmin A. Lumanggal, sa patuloy na suporta at pagtitiwala sa GBMHS Titans.
Sa ating Coach Wendel Baweg, salamat sa tiyaga, disiplina, oras, at puso na inilaan para mabuo hindi lamang ang isang mahusay na team, kundi mga batang marunong lumaban, rumespeto, at hindi sumusuko. ๐
Sa ating MAPEH Coordinator, Maโam Quennie Joy Budanio, maraming salamat sa suporta at gabay sa ating mga atleta.
At kay Sir Joel Corpuz, maraming salamat po sa masarap na dinner at sa pagpaparamdam sa mga bata na ang kanilang hard work ay pinahahalagahan.
Sa bawat nag-cheer, nagdasal, nag-abot ng tulong, nagbigay ng pagkain, oras, pamasahe, encouragement, at kahit simpleng โKaya ninyo โyan!โ โ maraming salamat.
Behind this victory are countless hours of training, pagod, pawis, sacrifices, at moments na gusto nang sumuko pero piniling lumaban.
This victory belongs to all of us. ๐
Congratulations, GBMHS TITANS Boys Volleyball!
Kabacan North District Meet 2026 Champions! And Municipal Meet 2026 Qualifier! ๐๐
Padayon, Titans! Ang laban ay hindi pa tapos. Mas malaki pa ang pangarap. Mas malayo pa ang mararating. ๐
USWAG TITANS! ๐๐ฅ