17/08/2026
ISANG TAGUMPAY NA KARAPAT-DAPAT IPAGDIWANG!
Malugod na binabati ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bannawag ang ating butihing SK Chairperson, Hon. Mark Ariel V. Ticbe, PFT, sa matagumpay na pagpasa sa Food Technologist Licensure Examination!
Ang tagumpay na ito ay patunay ng iyong sipag, tiyaga, dedikasyon, at determinasyonโisang inspirasyon hindi lamang sa ating kabataan kundi sa buong Barangay Bannawag. Sa kabila ng mga responsibilidad bilang lingkod-kabataan, pinatunayan mong kayang pagsabayin ang paglilingkod at patuloy na pag-abot sa sariling mga pangarap.
Ang iyong tagumpay ay aming tagumpay. Nawa'y maging inspirasyon ka sa bawat kabataang patuloy na nagsusumikap para sa kanilang mga pangarap. Mabuhay ang isang SK Chairperson na may puso sa paglilingkod at determinasyon sa pag-unlad!
Congratulations, Hon. Mark Ariel V. Ticbe, PFT!
We are truly proud of you!