Ginintuang Kilagasan

Ginintuang Kilagasan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ginintuang Kilagasan, Non-Governmental Organization (NGO), Kilagasan, Kabacan.

MALIIT AT MALUPIT; DAMASO, KUMUHA NG MEDALYA SA LAHAT NG KATEGORYA | April 9, 2026 Napatunayan ng batang pambato ng Kila...
12/04/2026

MALIIT AT MALUPIT; DAMASO, KUMUHA NG MEDALYA SA LAHAT NG KATEGORYA | April 9, 2026

Napatunayan ng batang pambato ng Kilagasan na hindi nasusukat sa laki ang lakas at galing matapos dominahin ni Rene Damaso ang larangan ng gymnastics sa ginaganap na SRAA 2026 ngayong araw, Abril 9.

Tinaguriang "Small but Terrible," namangha ang mga hurado at manonood sa ipinamalas na liksi at determinasyon ni Damaso nang masungkit nito ang medalya sa lahat ng kategorya ng gymnastics. Mula sa Floor Exercise, Vault, hanggang sa High Bar, hindi nagpaawat ang batang atleta sa pagpapakita ng mga perpektong routine at matatag na landing.

Ayon sa kanyang coach na si Khyr Mamaluba, hindi naging madali ang pinagdaanang pagsasanay ni Damaso, ngunit ang disiplina nito ang naging susi sa makasaysayang panalo. Ang pagkapanalo ni Damaso sa lahat ng kategorya ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking highlight ng kompetisyon ngayong taon.

Pinakamaliit. Pinakamalupit.



Isang pagpupugay sa ating SILVER MEDALISTS 🥈SRAA 2026 Table Tennis - Secondary Girls Doubles - Al Farizha Pedtamanan at ...
12/04/2026

Isang pagpupugay sa ating SILVER MEDALISTS 🥈
SRAA 2026 Table Tennis - Secondary Girls Doubles - Al Farizha Pedtamanan at Asia Casalan!

Nagpapasalamat kami sa inyong pagsusumikap, katatagan at hanga kami sa inyong galing!
Aabangan namin ang inyong pagbabalik.

Coach: Josie A. Guadalupe
Trainer: Taong Graza Table Tennis Court by Jerald Soquita



Isang pagpupugay sa inyo, Shantal Aguilar at Suzette Antonio! BRONZE MEDALISTSRAA 2026 - Table Tennis, Elementary Girls...
10/04/2026

Isang pagpupugay sa inyo, Shantal Aguilar at Suzette Antonio!

BRONZE MEDALIST
SRAA 2026 - Table Tennis, Elementary Girls Doubles

Sinikap niyong abutin ang mga pangarap ng inyong coaches, mga magulang at ng buong Kilagasan! Maraming Salamat!

Coaches:
Jerald Soquita
Michell Joy Garza Soquita

🧑‍💻: Remsha Peterjul Martin



10/04/2026

WILDCARD Round for Table Tennis Secondary Girls

COTABATO VS. SARANGGANI



10/04/2026

CHAMPIONSHIP MATCH
Table Tennis Girls Secondary
COTABATO VS. SARANGGANI



PEDTAMANAN AT CASALAN, PASOK SA CHAMPIONSHIP ROUND | April 10, 2026Hinampas, pinaluan at hindi pinagbigyan ng mga palo a...
10/04/2026

PEDTAMANAN AT CASALAN, PASOK SA CHAMPIONSHIP ROUND | April 10, 2026

Hinampas, pinaluan at hindi pinagbigyan ng mga palo at blocks ng tambalang Asia at Alfarizha ang mga bola mula ng Sultan Kudarat.

Sa nasabing laro, umabante man sa unang set ang Sultans, bumawi at ngayo’y uusad sa Final round ang Cotabato. Iskor, 3-1.

✍️: Renz Aljer Aguilar
📸: Remsha Peterjul Martin



SHANTAL AGUILAR AT SUZETTE ANTONIO; PINALAGAN ANG MGA BETERANO NG GENSAN, BRONZE MEDAL NAKAMTAN | April 10, 2026Hindi ba...
10/04/2026

SHANTAL AGUILAR AT SUZETTE ANTONIO; PINALAGAN ANG MGA BETERANO NG GENSAN, BRONZE MEDAL NAKAMTAN | April 10, 2026

Hindi basta-basta nagpaubaya ang tambalang Shantel Aguilar at Suzette Antonio matapos nilang tapatan ng bagsik at determinasyon ang mga beteranong manlalaro ng General Santos City sa isang dikitang bakbakan sa SKSU Gymnasium ngayong araw.

Bagama't yumuko sa iskor na 3-1, naging maugong ang pangalan ng Cotabato duo dahil sa ipinakita nilang "fighting spirit." Mula simula hanggang dulo, pinalagan nina Aguilar at Antonio ang bawat atake ng GenSan, dahilan upang mahirapan ang mga pambato ng "Tuna Capital" na mahanap ang butas sa depensa ng Cotabato.

Sa bawat palitan ng bola, tila pader ang itinayo nina Aguilar at Antonio na nagpahirap sa opensa ng GenSan. Bagama't mas liyamado sa karanasan ang General Santos, hindi ito naging hadlang para sa Cotabato pair na makakuha ng isang set at gawing "pukpukan" ang bawat rally. Sa kabila ng pagkatalo, matagumpay na nakuha nina Shantel at Suzette ang Bronze Medal, ipinakita nina Aguilar at Antonio na hindi lang basta karanasan ang basehan sa laro; ang kanilang puso at determinasyon ang nagdala sa kanila para maging bronze medalists ngayong araw.

Dahil sa panalong ito, uusad ang General Santos City sa championship match upang pag-agawan ang gintong medalya. Gayunpaman, iniwan nina Aguilar at Antonio ang isang mensahe sa court: na ang Cotabato ay hindi basta-basta magpapatalo nang walang matinding laban.

Salamat at pagpupugay Shantal Aguilar at Suzette Antonio!

✍️: Yashelle De Juan
🧑‍💻: Remsha Peterjul Martin



Isang pagpupugay sa’yo, Hazel Joy Nanini Mialen! BRONZE MEDALISTSRAA 2026 - Arnis, Secondary Girls Padded Stick Categor...
10/04/2026

Isang pagpupugay sa’yo, Hazel Joy Nanini Mialen!

BRONZE MEDALIST
SRAA 2026 - Arnis, Secondary Girls Padded Stick Category

4th PLACE
SRAA 2026 - Arnis, Secondary Girls Solo Baston Category

4th PLACE
SRAA 2026 - Arnis, Secondary Girls Synchronized Anyo Category

Ramdam namin at saksi kami sa inyong pagsusumikap, pagod at determinasyon! Maraming Salamat, saludo kami sa’yo!

Coaches:
Donald Rey C. Macailing
Jamie C. Aquino

🧑‍💻: Remsha Peterjul Martin



10/04/2026

SEMI-FINALS

Table Tennis Elementary Girls
COTABATO VS. GENERAL SANTOS CITY



09/04/2026

Table Tennis Secondary Girls
COTABATO VS. GENERAL SANTOS CITY

Rotate device for better viewing.



MIALEN,SUMIKWAT NG BRONZE SA PADDED STICK LABANAN | April 9, 2028Maningning na tinuldukan ni Hazel Mialen ang kanyang ka...
09/04/2026

MIALEN,SUMIKWAT NG BRONZE SA PADDED STICK LABANAN | April 9, 2028

Maningning na tinuldukan ni Hazel Mialen ang kanyang kampanya sa Padded Stick Arnis Labanan (Girls) at naselyuhan ang tansong medalya.

Ibinuhos ni Mialen ang kanyang buong lakas sa huling araw ng kompetisyon kontra Kidapawan City at South Cotabato ngayong umaga, Abril 9, na ginanap sa Impao Gymnasium sa Isulan.

Nagtala ang scoreboard sa laban nina Mialen at Llena ng South Cotabato ng iskor na 3–5 sa unang round at 2–4 sa ikalawang round, na tuluyang nagpahinto sa kanyang pag-arangkada.

Bigo mang makalusot at umabante sa semifinal si Mialen, hindi ito naging hadlang upang makasungkit ng medalya.

✍️: Renz Aljer Aguilar
🧑‍💻: Remsha Peterjul Martin



MIALEN AT KANYANG TEAM, NAGMARKA NG RANK 4 SA TATLONG KATEGORYA | April 9, 2026Lumiliyab man ang init ng panahon, sinaba...
09/04/2026

MIALEN AT KANYANG TEAM, NAGMARKA NG RANK 4 SA TATLONG KATEGORYA | April 9, 2026

Lumiliyab man ang init ng panahon, sinabayan naman ito ng Arnis Team Girls Synchronized sa naganap na Arnis Girls Team Event na ginanap sa Impao Gymnasium, matapos nilang makamit ang Rank 4 sa tatlong magkakaibang kategorya.

‎Pinangunahan ni Hazel Joy Mialen ang koponan sa isang maayos at sabay-sabay na pagtatanghal, kung saan ipimamalas ang kanilang pinaghirapan sa bawat galaw. Solidong ex*****on at magkakatugma ang bawat indak at tikwas ng baston. Sa kabila ng matinding laban, hindi sila natinag at ipinakita ang kanilang kumpiyansa at determinasyon na makipagsabayan sa mas bihasang mga koponan.

‎Bitbit ang kanilang naging karanasan ngayon, handa ang Koponan ni Mialen na bumawi at mas umangat pa sa padded stick competition na pangkasalukuyang ginaganap sa Imbao Gym, Isulan, Sultan Kudarat.

✍️: Renz Aljer Aguilar
🧑‍💻: Remsha Peterjul Martin



Address

Kilagasan
Kabacan
9407

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ginintuang Kilagasan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share