29/04/2026
๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฏ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐๐บ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฐ๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ถ๐บ๐บ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ด๐๐ฝ๐ฎ๐ป
Sa modernong panahon ng edukasyon, hindi lamang sa loob ng silid-aralan nagaganap ang pagkatuto. Isa sa mga pinakamahalagang karanasan na pinagdadaanan ng mga estudyante sa Pilipinas, partikular sa ilalim ng National Service Training Program (NSTP), ay ang Community Immersion Program. Isa itong estratehiya kung saan ang mga mag-aaral ay nakikisalamuha at aktibong nakikibahagi sa buhay ng isang komunidad.
Buwan ang inilaan sa pagpaplano ng kanilang community immersion. Mula sa project proposal hanggang sa mga communication letter, sinigurong tama at angkop ang bawat detalye para sa gagawing aktibidad. Nagtalaga rin ng mga estudyante sa ibaโt ibang tungkulin upang mapadali ang proseso at paghahanda.
Pinili ng Project Paglaum ang isang komunidad sa bayan ng Kabacanโang Barangay Dagupan. Iginanap ito noong ika-24 ng Abril ng kasalukuyang taon. Madilim pa lamang ang paligid ay gumising na ang mga estudyante upang maghanda para sa nasabing community immersion. Sa pangunguna ni Ms. Zaldiya Mier Pareja, NSTP Coordinator ng Section 3 Project Paglaum, sinigurado ang lahat ng kinakailangang ihanda para sa aktibidad. Dahil sa maayos at masusing paghahanda, matagumpay na nakarating ang mga estudyante sa Barangay Dagupan at masaya nilang binati ang mga dumalo, lalo na ang mga kabataan.
Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Community Zumba, at kitang-kita sa mukha ng mga bata at kanilang mga magulang ang saya habang sumasayaw. Matapos ang Zumba, sinigurong busog ang bawat isa sa pamamagitan ng isinagawang feeding program. Kasunod nito ang mga pampasiglang gawain mula sa Political Science volunteers upang hindi mabagot ang mga dumalo.
Pormal na inumpisahan ang programa sa pamamagitan ng panalangin, na sinundan ng opening remarks ni Ms. Zaldiya Mier Pareja. Pagkatapos nito ay masayang bumati ang Barangay Captain na si Hon. Warlito A. Villanueva.
Ibinahagi ni Ms. Angeline M. Alcala ang kanyang kaalaman tungkol sa environmental awareness. Nagbigay rin ng mensahe ng suporta si Mr. Jhon Ryan Fernandez mula sa Department of Political Science. Samantala, tinalakay ni Maโam Roselyn M. Clemen, RN, JD, MPA ang HIV awareness, teenage pregnancy awareness, at family planning para sa mga pamilyang dumalo sa aktibidad.
Nakibahagi rin sa community immersion sina Ginoong Bonifacio Solsoloy, USM NSTP Director, at Ginoong Jeson P. Donque, USM CWTS Program Head. Upang lalo pang mapasaya ang mga dumalo, nagpakita ng talento sa pag-awit ang isa sa mga estudyante. Sinundan ito ng lektura tungkol sa Gender-Based Sexual Harassment sa pangunguna ni Atty. Sunny Rye M. Nogalo, USM Director ng Office of the Legal Service.
Habang nagpapatuloy ang mga lektura, nagsagawa rin ang mga estudyante ng NSTP/CWTS ng basic reading tutorial. Inaliw din ang mga kabataan sa pamamagitan ng mga laro upang hindi mabagot at maging masaya ang kanilang pakikilahok. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang saya at sigla. Pagkatapos, masaya rin silang nakatanggap ng mga papel at drawing materials.
Sa kabilang banda, habang abala ang ilan sa mga estudyante, ang iba naman ay nagsagawa ng clean-up drive. Ibaโt ibang tungkulin ang itinalaga sa bawat isa, at masaya nilang ginampanan ang mga ito upang maging maayos at matagumpay ang layunin ng programa sa komunidad.
Ang community immersion program ay higit pa sa isang akademikong pangangailangan. Isa itong transpormatibong karanasan na nagbubukas sa mata ng mga kabataan sa mas malawak na realidad ng lipunan. Sa pamamagitan ng pakikiisa sa komunidad, ang mga kalahok ay nagiging instrumento ng positibong pagbabago at pag-asa.