20/10/2026
بسم الله الرحمن الرحيم
ALHAMDULILLAH! PAGHAHANDA PARA SA 5TH ANNUAL QURAN, SPORTS AND CULTURAL COMPETITION
Ang pagtitipon na ito ay bahagi ng briefing at paghahanda ng ating mga Asatidhah at mga estudyante para sa paparating na *5th Annual Quran, Sports and Cultural Competition na gaganapin sa Halaqah Al-Amal for Learning Qur'an, Sitio Kitabo Aringay, Kabacan, Cotabato.
Isang malaking kaganapan kung saan magsasama-sama ang 10 Halaqah mula sa iba't ibang lugar sa Kabacan upang magtagisan hindi lamang sa lakas ng katawan sa Sports, kundi higit sa lahat sa lakas ng Iman at Ilm:
📖 Quran Competition (Hifdh, Tilawah, Tafseer)
⚽ Sports Competition (Basketball, Volleyball, Football)
🎤 Cultural / Islamic Competition (Muhadharah, Adhan)
Layunin ng programang ito na patatagin ang kapatiran (Ukhuwwah) ng mga mag-aaral ng Qur'an at mailayo ang ating kabataan sa masasamang bisyo sa pamamagitan ng paglalaro na may kasamang pag-aala kay Allah.
Kasama natin dito ang ating Halaqah Nurul Elm Salimbanggun LQK kasama ang iba pang mga Halaqah sa ilalim ng Ittihad.
Hinihiling namin ang inyong mga Dua na maging matagumpay ang programang ito.
اللهم وفقنا لما تحب وترضي
In shaa Allah, magkita-kita tayo sa Aringay!