09/04/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Buong dangal na nakibahagi ang mga kasundaluhan ng 86th Infantry โHighlanderโ Battalion sa paggunita ng ika-84 na Araw ng Kagitingan na ginanap sa Heritage Memorial Park, Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya ngayong ika-9 ng Abril 2026, na may temang โGiting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi.โ
Ang aktibidad ay pinangunahan ni MGen Gulliver L. Siรฑeres, Commander, 5th Infantry Division, Philippine Army bilang panauhing pandangal at tagapagsalita. Nakiisa rin si BGen Rhoderick L. Parallag, Commander, 502nd Infantry Brigade, kasama si Ltc Rod A. Babaran Jr., Commanding Officer ng 86IB, at Ltc Paulo A. Espinosa, Director ng 203rd Community Defense Center. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya, Lokal na Pamahalaan ng Solano, Kagawaran ng Turismo, Nueva Vizcaya State University, Girl Scout of the Philippines Nueva Vizcaya Chapter, Sons and Daughter Association Inc., laang-kawal ng 203rd RRIBn, ibaโt-ibang ahensya ng pamahalaan, at mga beterano sa pangunguna ng Philippine Veterans Affairs Office.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni MGen Siรฑeres na ang Araw ng Kagitingan ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan kundi isang paalala at hamon sa kasalukuyan at sa hinaharapโna ang diwa ng kabayanihan ay dapat patuloy na isabuhay at ipamana sa susunod na henerasyon.
Ang Araw ng Kagitingan, na kilala rin bilang โDay of Valor o Bataan Dayโ, ay ginugunita bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular ang pagbagsak ng Bataan noong ika-9 ng Abril taong 1942 at ang makasaysayang โDeath Marchโ na kumitil sa libo-libong buhay ng mga sundalong pilipino.
Sa kasalukuyan, ito ay ginugunita bilang bahagi ng Philippine Veterans Week, kung saan patuloy na kinikilala ang mahalagang papel at sakripisyo ng mga beterano sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.
Ang 86IB ay nananatiling matatag sa tungkulin nito na ipagtanggol ang mga komunidad sa area na nasasakupan at panatilihing buhay ang diwa ng kagitinganโhindi lamang sa alaala ng nakaraan, kundi sa bawat kilos at sakripisyo para sa kapayapaan at kinabukasan ng sambayanang pilipino.
โ๐๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐จ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐ช ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐ขโ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ด๐ข, ๐ฅ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ฌ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ฅ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ.โ โ๐ผ๐ฃ๐ค๐ฃ๐ฎ๐ข๐ค๐ช๐จ