12/10/2025
🌾MALIGAYANG ARAW NG MGA MAGSASAKA! 🌾
Oktubre 12, 2025 – Isang mahalagang araw upang bigyang-pugay ang ating mga tunay na bayani sa likod ng bawat butil ng bigas, bawat bungang-kahoy, at bawat ani na bumubuhay sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino.
Sa kabila ng init ng araw, lamig ng gabi, at unos ng kalikasan, patuloy kayong nagsasaka — buong puso, buong lakas, at buong tapang. Kayo ang ugat ng ating ekonomiya at tagapagtaguyod ng seguridad sa pagkain ng ating bansa.
Hindi madali ang buhay sa bukid, ngunit pinipili niyong magsaka araw-araw, hindi lang para sa inyong pamilya kundi para sa bawat isa sa atin.
Maraming salamat, mahal naming magsasaka. Mabuhay kayo at ang inyong dakilang gawain! Kayo ang tunay na haligi ng bayan!