DENDA

Directions Website

DENDA Empowering Women. Enabling Youth. Strengthening Communities.

A productive day for DENDA! 💜Today, September 16, 2026, the DENDA Economic Network for Developing Entrepreneurs, Inc. he...
16/09/2026

A productive day for DENDA! 💜

Today, September 16, 2026, the DENDA Economic Network for Developing Entrepreneurs, Inc. held its Executive Board Meeting and Organizational Development Workshop at the BUP Headquarters, Sunrise Village, Isabela City.

The meeting was led by DENDA Chairperson Hon. Karel Annjaiza R. Sakkalahul-Hataman, together with Vice President Ms. Marites Abah, Treasurer Hon. Kasey Lean Suela, and Auditor Ms. Nurhaifa Muallamin.

Also present were our Area Coordinators: Ms. Ruby Suela for Lantawan, Ms. Niyong Falcon for Maluso, Ms. Perlita Mendoza for Lamitan, and Ms. Nurhana Jumlaha for Albarka and Tipo-Tipo. The activity was supported by our Technical Working Team composed of Ms. Annie Sanson, Ms. Asmira Munjalil, Ms. Darwisa Indaka, Ms. Trisha Badiang, Ms. Arwa Janang, and Ms. Farhana Ordoñez.

Maraming mahahalagang usapin ang ating tinalakay—mula sa membership updates, organizational restructuring, registration and accreditation, livelihood opportunities, DENDA Souvenir and Café, DENDA website, at iba pang proposed programs for our members and their communities.

We also discussed the integration of Waqf and Sadaqah into our organization through our partnership with selective Islamic Institution around Basilan, as well as the conduct of regular Board meetings to ensure that our concerns, responsibilities, and programs are properly monitored and acted upon.

More than presenting reports, the meeting gave us an opportunity to listen, clarify our responsibilities, identify existing challenges, and agree on our next steps. Marami pa tayong kailangang gawin, but we are moving forward with a clearer direction and a stronger commitment to serve.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nagbahagi ng kanilang ideas, at patuloy na naniniwala sa layunin ng DENDA. Ang bawat plano ay magiging makabuluhan lamang kung ito ay susundan ng konkretong pagkilos.

From discussion to action, we move forward together. 💜






𝙈𝙖𝙩𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙖𝙣𝙜 20 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙖 𝙣𝙖 𝘿𝙀𝙉𝘿𝘼 𝘿𝙊𝙇𝙀 𝙏𝙪𝙥𝙖𝙙 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙪𝙣𝙞𝙩𝙮 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙞𝙘𝙚 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢Matagumpay na naisagawa ng DENDA Econo...
02/09/2026

𝙈𝙖𝙩𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙖𝙣𝙜 20 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙖 𝙣𝙖 𝘿𝙀𝙉𝘿𝘼 𝘿𝙊𝙇𝙀 𝙏𝙪𝙥𝙖𝙙 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙪𝙣𝙞𝙩𝙮 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙞𝙘𝙚 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢

Matagumpay na naisagawa ng DENDA Economic Network for Developing Entrepreneurs, Inc., katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region IX, ang 20-araw na TUPAD Community Service Program mula Hulyo 17 hanggang Agosto 8, 2026, na nilahukan ng 59 na benepisyaryo.

Layunin ng programa na magbigay ng pansamantalang trabaho at kita habang hinihikayat ang mga benepisyaryo na makibahagi sa mga gawaing makatutulong sa komunidad at kapaligiran.

Kabilang sa mga naisagawang gawain ang:

🌱 Coffee Tree Planting sa Sitio Lantung, Barangay Baluno, kung saan 131 coffee seedlings ang naitanim;

🌳 Fruit Tree Planting sa Barangay Baluno, kabilang ang bayabas, macopa, pomelo, lansones, mangosteen, at avocado;

🧹 Coastal Clean-Up Activity sa Purok 5, Barangay Marang-Marang;

🥥 Coconut Tree Planting sa Barangay Baluno;

Bahagi rin ng programa ang orientation, pagpaplano, paghahanda, meetings, attendance monitoring, documentation, at paggawa ng mga accomplishment at narrative reports. Ang mga benepisyaryo ay hinati sa mga pangkat para sa logistics, community greening and food security, coastal protection, at iba pang nakatalagang gawain.

Matapos makumpleto ang mga kinakailangang dokumento at payroll, matagumpay ding naisagawa ang payout ng mga benepisyaryo.

Nagpapasalamat ang DENDA kay Ma’am Marlyn Anoos, na ngayon ay Provincial Director ng DOLE Zamboanga Sibugay, sa tiwala at pagkakataong ibinigay sa aming organisasyon. Maraming salamat din kay Sir Christopher Borcelas, DOLE TUPAD Focal, sa patuloy na paggabay mula sa pagsisimula ng programa hanggang sa payout.

Kinikilala rin namin ang suporta ng City Agriculture Office, sa pamamagitan ni Sir Jonathan Pedillon, at ng Philippine Coconut Authority, sa pamamagitan ni Sir Win Aguilar, sa pagpapatupad ng ating mga gawaing pangkalikasan at sa Barangay Officials ng Marang-Marang Barangay sa pamumuno ni Kap Ahmad L. Hamad.

Maraming salamat sa mga DENDA officers sa pamumuno ni President Marites Abah, coordinators, team leaders, volunteers, partner offices, at sa lahat ng benepisyaryong naging bahagi ng programa.

Ang tagumpay ng gawaing ito ay bunga ng maayos na koordinasyon, pakikiisa, at pagtutulungan ng lahat.

Congratulations sa 59 DENDA–DOLE TUPAD beneficiaries!






Noong Abril 26, 2026, matagumpay na isinagawa ang seremonya ng pamamahagi ng Home and Livelihood Packages para sa 80 miy...
30/08/2026

Noong Abril 26, 2026, matagumpay na isinagawa ang seremonya ng pamamahagi ng Home and Livelihood Packages para sa 80 miyembro ng Al-Barka Women Farmers Association sa Barangay Bohe Piyang, Al-Barka, Basilan.

Ipinagkaloob ang nasabing tulong pangkabuhayan ng tanggapan ni MP Mustapha Loong, sa pamamagitan ng inisyatiba at pakikipag-ugnayan ng DENDA Al-Barka, katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Dinaluhan ang programa nina Vice Mayor Mar Tokong, Peace and Reconciliation Provincial Focal FVG Al Rasheed M. Sakkalahul, mga opisyal ng Barangay Bohe Piyang sa pamumuno ni Kap Attuk, hepe ng pulisya ng Al-Barka, at mga kinatawan mula sa MOLE-BARMM, Philippine Coconut Authority, Philippine Army, representatives mula sa Progresibong Bangsamoro Partylist sa pangunguna ni Kagawad Misriya Tupay, at iba pang katuwang na institusyon. Nakiisa rin si Councilor Karel Annjaiza R. Sakkalahul, Founder and Chairperson ng DENDA.

Ang mga Home and Livelihood Package ay hindi lamang simpleng kagamitan, kundi mahalagang suporta sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga kababaihang magsasaka. Layunin nitong makatulong sa pagpapaunlad ng kanilang kita, pagsuporta sa kanilang mga pamilya, at aktibong pakikilahok sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

Taos-puso ang pasasalamat ng DENDA kay MP Loong, sa mga opisyal ng Bayan ng Al-Barka, at sa lahat ng katuwang na ahensiya at organisasyong naging bahagi ng matagumpay na programang ito.

Patuloy na magsisikap ang DENDA na mailapit sa mga kababaihan ang mga programa, serbisyo, at oportunidad na makatutulong sa kanilang kabuhayan at pangmatagalang pag-unlad.

Kapag umuunlad ang kababaihan, umuunlad ang pamilya at buong komunidad.







13/08/2026

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘 𝗕𝗘𝗛𝗜𝗡𝗗 𝗧𝗛𝗘 𝗟𝗢𝗢𝗣 | Behind every collection route, materials recovery facility, recycling initiative, and resource recovery program are people who make the system work, from local government personnel and waste workers to producers, recyclers, entrepreneurs, communities, and consumers.

This is especially important in the implementation of Extended Producer Responsibility (EPR). Under Republic Act No. 11898, producers are made responsible for the management of covered plastic packaging beyond the point of sale and consumption, creating a system that requires coordination across the entire value chain.

LGUs help build the local systems that enable segregation, collection, recovery, and diversion. Communities determine, through their everyday practices, whether these systems succeed. Waste workers and recyclers help recover materials that can return to productive use. Producers and businesses can redesign products, invest in recovery systems, and create markets for recycled materials. Together, these actors form the human network that makes “closing the loop” possible.

The transition to a circular economy is therefore not simply a technological or environmental agenda. It is also a social and economic transformation—one that must be inclusive, collaborative, and grounded in the realities of communities.

The EPR Environmental Summit & Investment Forum 2026, hosted by the City Government of Isabela, will bring stakeholders together to strengthen these connections, share knowledge and solutions, and explore opportunities for innovation, investment, and partnership. The initiative is being undertaken in partnership with the Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau IX, the Mindanao Development Authority, and the European Union–Philippines Green Economy Partnership through the Global Gateway Initiative.

Anchored on Republic Act No. 9003, or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000, and Republic Act No. 11898, or the EPR Act of 2022, the Summit seeks to help strengthen the systems and the partnerships needed for a more sustainable future.




13/08/2026
“Whoever gives food for a fasting person to break his fast will have a reward like theirs, without that detracting from ...
28/02/2026

“Whoever gives food for a fasting person to break his fast will have a reward like theirs, without that detracting from their reward in the slightest.”
— Sunan al-Tirmidhi

RAMADAN IFTAR PROGRAM | DENDA

Sa diwa ng Ramadan—panahon ng pagbabahagi, pagkakaisa, at pagmamalasakit; nagsagawa ang DENDA ng Iftar distribution para sa ating mga kapatid sa komunidad.

Ang bawat pagkain ay inihanda at ipinamahagi nang may taos-pusong hangarin na makapaghatid ng pag-asa at malasakit sa buwan ng pagpapala.

Serving with faith. Leading with compassion.




Hindi lang sa salita, kundi sa gawa makikita ang tunay na empowered women. 💪🌸Sa DENDA, ang kababaihan ay aktibong kumiki...
23/02/2026

Hindi lang sa salita, kundi sa gawa makikita ang tunay na empowered women. 💪🌸

Sa DENDA, ang kababaihan ay aktibong kumikilos; nagbubuhat, nag-aayos, at naglilingkod— upang masigurong maihatid ang tulong sa mga nangangailangan. Ito ang lakas ng kababaihang may malasakit, may paninindigan, at may malasakit sa komunidad.

Kapag ang kababaihan ay binibigyan ng pagkakataon at tiwala, mas nagiging matatag ang pamilya at mas napapalakas ang komunidad.

Empowered women empower communities. 💖✨

Sa diwa ng malasakit at bayanihan, ang DENDA ay nagsagawa ng pag-abot ng bigas at pa-feeding program para sa mga biktima...
22/02/2026

Sa diwa ng malasakit at bayanihan, ang DENDA ay nagsagawa ng pag-abot ng bigas at pa-feeding program para sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Diki.

Sa pakikipagtulungan ng Isabela City People’s Council (ICPC) sa pamumuno ni Pastor Ronald Paulino, Konsehal Ameen Camlian, Konsehal Karel Sakkalahul at ng iba pang mga miyembro ng ICPC, sama-sama nating naihatid ang tulong at pag-asa sa ating mga kababayan na apektado ng trahedya.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng volunteers at partners na walang sawang naglingkod. 💗



DENDA in Partnership with BUP: Relief Assistance for Brgy. DikiNitong Pebrero 21, 2026, ay nakiisa ang DENDA Economic Ne...
22/02/2026

DENDA in Partnership with BUP: Relief Assistance for Brgy. Diki

Nitong Pebrero 21, 2026, ay nakiisa ang DENDA Economic Network for Developing Entrepreneurs, Inc. sa Basilan Unity Party (BUP) at iba’t ibang partners sa pagbibigay ng relief assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. Diki, Isabela City.

Kasama sa gawaing ito ang ating mga partners mula sa AMIN Partylist, Tau Gamma Phi, AKHRO, Knights of Columbus, at Jack and Jill Integrated School, na sama-samang nagpaabot ng tulong at malasakit sa mga kababayan nating nangangailangan.

Pinangunahan din ang aktibidad kasama si BM Amin Hataman, at dinaluhan ng mga konsehal ng Isabela City na sina Konsehal Jay Casas, Konsehal Benjo Abubakar, Konsehal Alex Infante Ututalum, Konsehal Ameen Camlian, Konsehal Jashim Tiplani, Konsehal Karel Sakkalahul, at Konsehal Naila Belleng.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa Barangay Officials ng Brgy. Diki, sa pamumuno ni Kap. Nihma Deman, sa kanilang buong suporta at maayos na koordinasyon para sa matagumpay na pamamahagi ng tulong.

Sa pagkakaisa at pagtutulungan, mas napapalakas natin ang pag-asa ng ating mga komunidad.

Maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi.




KANINA LANG | Courtesy Visit – Albarka MunicipalityKanina ay bumisita ang DENDA sa Sangguniang Bayan ng Albarka Municipa...
09/02/2026

KANINA LANG | Courtesy Visit – Albarka Municipality

Kanina ay bumisita ang DENDA sa Sangguniang Bayan ng Albarka Municipality upang ibahagi ang aming layunin, mga adbokasiya, at mga programang nakatuon sa kapakanan ng kababaihan, solo parents, at differently abled persons.

Ang pagbisitang ito ay naglalayong palakasin ang partnership at kolaborasyon sa Pamahalaang Bayan ng Albarka para sa mas inklusibo at makabuluhang mga programa sa komunidad.

Lubos po kaming nagpapasalamat kina Mayor Jaydeefar Lajid, Vice Mayor Hj. Murilin Tokong, mga Konsehal ng Albarka, Kap Vilma Tokong at sa MSWD Officer Nasra Haron sa mainit na pagtanggap at sa kanilang ipinakitang suporta sa adhikain ng DENDA.

Sa pagkakaisa ng LGU at civil society, mas nagiging posible ang pag-abot ng serbisyo sa mga higit na nangangailangan.

Maraming salamat po. Inshaa Allah, tuloy-tuloy ang sama-samang paglilingkod.

Address

Isabela
7300

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DENDA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share