12/06/2026
Ika 128th Araw ng Kalayaan ay isang makabuluhang paggunita sa dakilang sakripisyo at kabayanihan ng ating mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay, dugo, at tapang upang makamtan ang kalayaang tinatamasa natin ngayon. Ang kanilang di matatawarang kagitingan ang naging pundasyon ng isang bansang malaya at may dangal, at patuloy itong nagbibigay inspirasyon sa bawat Pilipino na mahalin at ipaglaban ang ating bayan.
Hindi dapat manatili sa alaala lamang ang kanilang kabayanihan kundi dapat itong isabuhay sa araw araw na pamumuhay.
Mahalagang ipagpatuloy ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng pagmamahal sa Inang Kalikasan, dahil ang malinis at maayos na kapaligiran ay mas masasabing may Kalayaan.
Maging matalino rin sa bawat pagpili sa halalan, sapagkat ang tamang pagpili ng mga pinuno ay may malaking epekto sa kalinisan, kapayapaan, at kaunlaran ng ating bansa. Ang bawat boto ay representasyon ng ating pag-asa para sa mas mabuting kinabukasan.
Patuloy nating bigyang halaga ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani sa pamamagitan ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa bayan upang maipagpatuloy ang kanilang iniwang pamana para sa susunod na henerasyon.
Maligayang Araw ng Kalayaan, Mabuhay ka Pilipinas๐ต๐ญ
๐๏ธ :KY Madriaga Soratio (10 rep)
๐จ :Emhezor longboy (11 rep)