PTF Asia Foundation Inc. - Camarines Sur

PTF Asia Foundation Inc. - Camarines Sur Bayanihan Governance Project in Iriga City, Camarines Sur

14/07/2026
Barangay Development Workshop Idinaos sa Sto. Niño, Iriga CitySa loob ng tatlong araw, nagsama-sama ang iba’t ibang sekt...
06/05/2026

Barangay Development Workshop Idinaos sa Sto. Niño, Iriga City

Sa loob ng tatlong araw, nagsama-sama ang iba’t ibang sektor ng Sto. Niño, Iriga City para sa Barangay Development Plan Workshop, ito ay isang makabuluhang hakbang tungo sa mas organisado at inklusibong pag-unlad.

Katuwang ang ating mga Barangay Officials at SK Chairperson, aktibong nakilahok ang mga kinatawan mula sa PWD, Senior Citizens, Farmers Association, SNTODA, CDW, Lupon, BHW, Kabataan, Solo Parent, Kababaihan, 4P’s at iba pang sektor upang maipahayag ang kanilang boses at ambag sa pagpaplano.

Sa gabay ng Byaheng Masarig Framework, mas pinagtibay ang diwa ng pagkakaisa at malasakit, tunay nga na kapag sama-sama, mas nagiging matibay ang pundasyon ng isang barangay.

Ang actibidad na ito ay naisakatuparan sa loob ng tatlong (3) araw na kumprehensibong pagsasanay mula ika-21 ng Abril hanggang ika-23 ng Abril, sa pagtutulungan ng PTF Asia Foundation, Inc. sa ilalim ng Bayanihan Governance Project, BLGU–Sto. Niño at ng mga representante ng mga Barangay Based Organization sa Sto. Niño.

Isang layunin, Isang direksyon, Bayanihan ang susi sa MASARIG at maunlad na kinabukasan!

𝐂𝐁𝐒𝐔𝐀 𝐚𝐭 𝐏𝐓𝐅 𝐀𝐬𝐢𝐚 𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝Isang makabuluhang araw ang nasaksih...
16/04/2026

𝐂𝐁𝐒𝐔𝐀 𝐚𝐭 𝐏𝐓𝐅 𝐀𝐬𝐢𝐚 𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝

Isang makabuluhang araw ang nasaksihan sa pagitan ng PTF Asia Foundation, Inc., sa pangunguna ng Pangulo nitong si Hector P. Crisostomo V, at ng CBSUA-RCIP sa pamumuno ng Pangulo ng CBSUA, Dr. Alberto N. Naperi, kasama ang kinatawan ng RCIP na si Dr. Jesusa Bibe-Taumotorgo, sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Marso 23, 2026.

Layunin ng kasunduang ito ang pagsasanib-puwersa ng dalawang institusyon upang higit na mapaunlad ang komunidad, partikular na ang mga katutubong pamayanan (Indigenous Peoples). Sa pamamagitan ng MOA, inaasahang mas mapapalakas ang mga programa at inisyatiba na nakatuon sa edukasyon, kabuhayan, at pangkalahatang kaunlaran ng mga sektor na madalas na naiiwan sa lipunan.

Ang pagtutulungan ng PTFA at CBSUA-RCIP ay magsisilbing huwaran ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng akademya at mga organisasyong panlipunan. Ito ay patunay na sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos, mas nagiging posible ang pagbuo ng mga proyektong may pangmatagalang epekto sa komunidad.

Bukod sa pagbibigay ng suporta sa mga katutubo, layunin din ng kasunduan na palakasin ang pananaliksik, pagsasanay, at pagbabahagi ng kaalaman upang makalikha ng mga makabagong solusyon sa mga hamon ng lipunan. Ang umuusbong na pakikipagtulungang ito ay nakikita bilang paraan upang higit pang palakasin ang mga inisyatiba ng partisipasyon sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapatibay ng inklusibong mga gawain at paglikha ng makabuluhang mga programa na mag-aangat sa kabuhayan ng mga Katutubo.

𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐞𝐝𝐠𝐞𝐫𝐬: 𝐏𝐫𝐨𝐟𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐢𝐧 𝐈𝐫𝐢𝐠𝐚Transparency and accountability are built one entry...
16/04/2026

𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐞𝐝𝐠𝐞𝐫𝐬: 𝐏𝐫𝐨𝐟𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐢𝐧 𝐈𝐫𝐢𝐠𝐚

Transparency and accountability are built one entry at a time. On April 9, 10, and 13, 2026, leaders from the Saint Ralph Rice Farmers’ Association, Inc. (SRRFAI) and Aqua Farmers' Association (AFASNI) gathered at Biggs Diner for BILANG, a three-day intensive workshop focused on institutional financial management.

Under the Bayanihan Governance Project, the sessions followed a "Learning-by-Doing" approach. Instead of theoretical exercises, participants brought their actual organizational records to migrate into a formalized system.

The primary driver of this transition was the creation of a Chart of Accounts (COA). By establishing a standardized financial architecture, these associations are now moving away from informal record-keeping toward a professionalized ledger system. This technical foundation is critical not only for their daily operations but as a prerequisite for the release of their seed grants.

Throughout the program, participants mastered the mechanics of journaling, bank reconciliation, and internal oversight. These aren't just administrative tasks; they are the tools that ensure community resources are managed with integrity and precision.

As we conclude this capacity-building phase, these associations stand ready—equipped with the technical skills to sustain their growth and prove that sa tamang bilang, lahat ay may pakinabang.

𝐃𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐃𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧!Ang puno ay mahalagang bahagi ng buhay ng tao—nagbibigay ito ng lilim, sariwang hangin...
16/04/2026

𝐃𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐃𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧!

Ang puno ay mahalagang bahagi ng buhay ng tao—nagbibigay ito ng lilim, sariwang hangin, tirahan, at pagkain na sumusuporta sa pang-araw-araw na pamumuhay ng sangkatauhan. Kaugnay nito, isinagawa ang Plant Propagation Training sa Barangay Sto. Niño, Iriga City sa pangunguna ng PTF Asia Foundation, Inc. at sa pakikipagtulungan ng Sto. Niño Council. Pinangunahan ang aktibidad ng nag-iisang resource speaker na si Mr. Augusto Saldo, isang plant propagator mula sa Department of Agriculture.

Tampok sa programa ang makabuluhang talakayan at aktwal na pagsasanay sa iba’t ibang teknik ng pagpaparami ng halaman. Nagbigay ito sa mga kalahok ng dagdag na kaalaman at kasanayan na maaari nilang magamit hindi lamang sa pangkabuhayan, kundi pati na rin sa pangangalaga ng kalikasan.

𝐔𝐫𝐛𝐚𝐧 𝐆𝐚𝐫𝐝𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐬𝐭𝐞𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚Bilang tugon sa pangangailangang pang-agrikultura ng mga resid...
16/04/2026

𝐔𝐫𝐛𝐚𝐧 𝐆𝐚𝐫𝐝𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐬𝐭𝐞𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚

Bilang tugon sa pangangailangang pang-agrikultura ng mga residente ng Perpetual Help, Iriga City, isinagawa ang Urban Gardening Training noong Abril 9, 2026. Ang programa ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng Central Bicol State University of Agriculture sa pangunguna ni Engr. Abegail, kasama ang BLGU Perpetual Help, Parina Multi-Sector Association, RIC-Perpetual, at Mamuco Farmers.

Nagsimula ang pagsasanay sa maikling talakayan hinggil sa tamang paggamit ng espasyo sa pagtatanim, wastong pagpili ng lupang pagtataniman, at mga uri ng pananim na angkop sa kasalukuyang panahon. Sa hapon, nagkaroon ng praktikal na gawain kung saan aktibong nakibahagi ang mga kalahok sa paghahanda ng lupa, pagpili ng pananim, at aktwal na pagtatanim.

Sa harap ng kasalukuyang tagtuyot at kakulangan sa suplay ng tubig na dulot ng matinding init, itinuring ang training na ito bilang isang epektibong hakbang upang makapagtatag ng sustenableng gulayan kahit sa limitadong espasyo. Nagbigay ito ng kaalaman at kasanayan na makatutulong sa komunidad upang matiyak ang patuloy na pagkakaroon ng masustansyang pagkain at mapalakas ang seguridad sa pagkain.

Address

Sampaguita Street , San Antonio Subd. , San Roque
Iriga City
4431

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PTF Asia Foundation Inc. - Camarines Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share