24/09/2025
𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗧𝗔𝗪𝗜𝗥𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗨𝗧𝗛𝗘𝗥𝗡 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗬𝗘𝗥𝗡𝗘𝗦-𝗦𝗔𝗕𝗔𝗗𝗢 ⚠️
Lumakas pa at naging Tropical Storm ( ) habang kumikilos palapit sa Bicol Region-Eastern Visayas area. Mula Biyernes hanggang Sabado ng umaga nito posibleng tawirin ang Southern Luzon at magdulot ng malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin, partikular sa 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮, 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗥𝗭𝗢𝗡, 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗮𝘁 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻.
𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡:
➡ Lokasyon ng sentro (4:00 AM): 855 km East of Northeastern Mindanao
➡ Lakas ng hangin malapit sa gitna: 65 km/h
➡ Pagbugso: 80 km/h
➡ Kasalukuyang pagkilos: West Southwestward at 20 km/h
𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪: Wala pa
𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗢𝗦:
➡ Inaasahang patuloy na lalakas ang bagyo at inaasahang magiging 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗥𝗘 𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 bukas. Hindi inaalis ang posiblidad na biglaan pa itong umabot sa Typhoon bago tumawid ng kalupaan.
➡ Sa 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 𝗼 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗮𝗻𝗱𝗳𝗮𝗹𝗹 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗺𝗮𝘄𝗶𝗱 𝘀𝗮 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 at bandang gabi hanggang madaling araw ng Sabado naman ito tatawid ng CALABARZON-MIMAROPA area bago lumabas ng West Philippine Sea.
➡ 𝗠𝗮𝘆 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝗮𝗯𝗶𝗴 𝗽𝗮 𝗽𝗮𝗵𝗶𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗿𝗮𝗰𝗸 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 sa mga susunod na araw kaya hindi inaalis ang posibilidad na direktang madaanan ng sentro nito ang Metro Manila at Central Luzon.
➡ Hanggang sa 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝘆𝗰𝗹𝗼𝗻𝗲 𝗪𝗶𝗻𝗱 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹 𝗡𝗼. 𝟯 𝗼 𝟰 ang posibleng pinakamataas na ilabas para sa mga direktang tatamaan ng bagyo.
𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪:
➡ Bukas (Huwebes) ay inaasahang magdudulot na ito ng 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗘𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗩𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮𝘀.
➡ Sa 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 pinakaramdam ang malalakas na pagbugso ng hangin ng bagyo at malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at Central Luzon.
➡ Posibleng humupa rin ang epekto nito 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗲𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼.
Patuloy na maging updated sa magiging lagay ng panahon sa mga susunod na araw. Ingat po!
𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗬𝗖𝗟𝗢𝗡𝗘 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘
ScienceKonek
6:00 AM | 24 September 2025