26/10/2026
๐๐๐ฆ๐จ๐ฅ๐๐๐ข ๐๐๐, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ข๐-๐๐ถ๐ฐ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฉ๐ผ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐น๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ
Tumanggap ng parangal ang Camarines Sur III Electric Cooperative, Inc. (CASURECO III) mula sa Department of Health - Bicol bilang isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Voluntary Blood Donation Program sa ginanap na Bicol Sandugo Summit and Awards noong Oktubre 21, 2026 sa Legazpi City, Albay.
Ipinagkaloob ang nasabing pagkilala bilang pagpapahalaga sa patuloy na pakikiisa at natatanging kontribusyon ng kooperatiba sa mga programang naglalayong magkaroon ng sapat at ligtas na suplay ng dugo sa rehiyon.
Ayon sa DOH-Bicol, mahalaga ang papel ng mga pampubliko at pribadong institusyon tulad ng CASURECO III sa pagpapanatili ng mga blood bank, na kritikal sa pagligtas ng buhay ng mga pasyenteng nangangailangan ng emergency transfusion, operasyon, at iba pang medikal na pangangailangan.